how

Paano kopo sasabihin sa parents ko na buntis ako? Mag-3months na po baby ko nkpagpacheck na rin ako last month. Im studying pa din, gusto ko pa magenroll this sem at hahayaan ko nalang sana mahalata nila. Paano ba to? Anong gagawin ko? Im 19 po incoming 20yrs this september

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis! Same tayo, nangyari sa akin noon yan. Tatay ng anak ko nagsabi noon. Nung nalaman ng magulang ko, nagalit sila, nanghinayang at umiyak pero kalaunan tinanong nila kung gusto ko ituloy pag aaral ko, Sabi ko "opo". So they called my University if pwede ang preggy student sa kanila, pwede daw at kahit di naka uniform pumasok. Nung mag eenroll na sana ako bigla akong pinag bedrest ng OB so no choice I had to stop for 3 sems (1 yr & a half) ata yun. At tinulungan pa rin ako ng parents ko, nakatapos ako at nakapag trabaho, ito ngayon may ari na ako ng sarili kong business sa tulong na rin ng parents ko. Mas malaman nila ng maaga, mas mabuti sis. Magagalit sila pero tatanggapin ka pa rin nila. Mag pray ka rin sis na bigyan ni Lord ng wisdom & understanding ang parents mo kapag nagtapat ka na or kayo ng BF mo. ☺️

Magbasa pa

For me sis bago din ako mag enroll nalaman ko narin na buntis ako pero gusto ko talaga makatapos non kasi 1 sem nalang naman gagraduate nako ng college kaya ang ginawa ko nag enroll muna ako pero alam ko sa sarili ko okay si baby kasi nakapag pacheck up narin naman ako inuna ko mag enroll then mga after 1 month sinabi ko na sa parents ko pero syempre dapat ung nakabuntis sayo ang magsasabi sa parents mo samahan mo sya at sabihin nyo sa parents mo mga dapat nyo gagawin hehe skl pero nasa iyo sis kung ano para sayo sa una lang naman magagalit parents mo di magtatagal magiging okay din basta in the future matulungan mo rin sila

Magbasa pa

hi sis. natural lang na magagalit sila. mas okay na sabihin mo sa kanila para hindi sila mashookt. ganun din sakin parents ko pinagsabihan nila ako pero hindi naman nila ako sinabihan ng masama like palaglagin ko si baby ko. syempre tinanggap padin ako ng parents ko. mas excited pa nga parents ko e. pinakita ko sa kanila na kaya kong makapagtapos ng pag aaral mula 2nd mos-7th mos na pagbubuntis ko pinagpatuloy ko pag-aaral ko. ngayon, tapos na ako sa academics ko. Ojt nalang ang kulang ko. wag ka magpakastress, wag mo isipin yung mga nakapaligid sayo. ang isipin mo yung sarili mo at yung baby mo. 😊

Magbasa pa

Sabihin mo na sa parents mo habang maaga pa. Don't stress yourself out, since una pa lang alam mo naman ang consequences. For sure nakakaramdam na ang mama mo inaantay lang nya na magsabi ka. Pagdating naman dun sa tatay pabayaan mo na yun kung walang magandang dulot sa inyong mag ina. Amg importante maalagaan mo ang sarili mo pati si baby at matapos mo pa rin ang pag aaral mo para sa kinabukasan ninyong dalawa. Walabg ibang tutulong sayo kundi magulang mo lang din 😊

Magbasa pa
6y ago

Hayaan mo yung tatay ng bata kung problema lang ang dulot nya sayo. Kawalan nya kung pababayaan nya kayo. May chance ka pa na maging maayos ang buhay mo kahit na buntis ka na. Hindi naman hadlang ang pagkakaroon ng anak para matapos mo ang pag aaral mo, gawin mo pa siyangbl inspirasyon 😊

Nung ako 2months nalaman kong buntis ako nag aaral pko college at graduating ako non still pinag patuloy ko pag aaral ko. ginawa ko isa isa sa pamilya ko snbhan ko pagdating sa daddy ko nag pa backup ako sa kuya ko na sabhin kasi natatakot ako sa daddy ko una masesermon ka tlaga ng bongga pero sa huli mas excited pa sila. Kaya sabhin mona din para dikana mahirapan at alam ko supportahan ka ng family mo.😊

Magbasa pa

Kausapin mo nalang po nag malumalay. Wala na din nman sila magagawa. Para di kana rin stress sa kaka isip. Makikisuyo din ako Mamsh. pls po ako pa like nag family picture namin. 🙏🏻♥️ nasa baba po ang link. Maraming salamat. ⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️ https://community.theasianparent.com/booth/176363?d=ios&ct=b&share=true

Magbasa pa

sabhin mo n ng maaga sis lalo n kung may iba rin n nkakaalam n buntis k .. oo nandon yung magagalit sila sayu pero mas magagalit sila kung s ibang tao p nila malalaman wag kang matakot BLESSING yan 😊 .pwde mo p nmn ituloy study mo while your pregnant 😊 mas magkakaron k ng inspirasyon to pursue lalo n for your baby .. matatanggap nila yan kase apo nila yan ..

Magbasa pa

Sabihin mo na sa parents mo. Sila din ang aagapay sayo sa pregnancy journey mo. Wag ka matakot maiintindihan ka din nila in the end. Kahit nabuntis ka ng maaga lage mo iisipin na blessing from above ang baby mo. Kaya wag ka ma stress. Take care of yourself and to the growing little person inside you. Pray always din. God bless ♥️

Magbasa pa

Mas maaga po sabihin nyo na hanggat mas maaga pa,, atleast naging honest ka sa kanila ,, same situation here pero inantay kong malaman nila then kinonfront nila ko,, na dissapoint sila sakin kasi alam na ng iba pero sila mismo na magulang di nila alam lalo nat ayaw panindigan ng ama.,, then after all natanggap din nila ,, pray lang po

Magbasa pa

lakasan lang ng loob una mo pagsabihan ang parents mo kung sino mas close mo sa kanila kung papa at mama para di ka mahirapan pwede kapa naman mag aral habang buntis ka..pag di mo sinabi yan lalo ka masstress araw araw mas mahirap na sa iba pa malaman lalo di mo naman maitatago ng matagalan yan kasi bawat buwan lumalaki yan

Magbasa pa