HOUSEWIFE
####pa vent out*** Sino dito na nasa bahay nagbabantay ng anak linis ng bahay, luto ng pagkain para sa asawa? Alam niyo naiingit ako sa iba, tingin kasi sa akin ng asawa ko palamunin niya lang ako. Humingi kasi ako ng pera sa asawa ko for the first time* papadala ko lg sana sa kapatid ko para pandagdag pang baon sya ng isang linggo since nag start na demo teaching niya, kaso bigla syang nagalit e wala naman daw akong trabaho. Alm niyo yun gustong gusto ko mag trabaho, pero ayaw nya kasi kumuha ng yaya para mag bantay sa anak namin. Masama lg tlaga loob ko, kahit bagong panty hndi niya ako mabilhan bilhan, mag iisang taon na wala pa rin yun lg yung hiniling ko sa kanya khit konsuelo de bobo lg man sa pag aalaga ko sa kanilang dalawa. ** graduate kmeng pareho, sya may magandang trabaho kumikita sya ng 50k kada buwan. Ako kung hndi lg napaaga pagbubuntis ko kaya kong lamangan yang kinikita niya!! Pero pinili ko anak ko. Nanliliit lang ako sa sarili ko. Sana security guard na lang naging asawa ko, baka sa ganun gawin pa akong reyna hndi muchacha!!!
ako bago nanganak may work ako peru pgka.anak q wala na kasi wala mag.aalaga ni baby, thankful kasi c hubby nag.decide na wag muna ako mag work habang baby pa c LO kasi d dn nia i.aasa sa yaya ung baby. its a matter of communication lang yan sis, mag usap kau ilabas mu ung nararamdaman mo pra maintindha nia.
Magbasa paMahirap talaga ganyan momsh.. Ako never ako maunder estimate ng hubby ko. Kc sa bahay ko cia nakatira. Tsaka given na din na mabait asawa ko sobra.. At ngaung naka leave ako kung anung hingin ko bbgay nia khit mahal pa yan.. Lalo na sa gamit ng baby ko alam nia kase maselan ako..
Ako sis kasama ko ung anak ko nagbabantay kami ng lotto outlet sa tita ng asawa ko kaya okay lang kasama ung anak ko libre pagkain na kmi khit maliit lng ang sahod atleast nababantayan ko namn ung anak ko habang kumikita ako😀
Wag kang masyadong mabait Girl..ipaglaban mo yung karapatan mo, d porket sya ang nag naghahanap buhay eh wala kanang say sa kinikita nya..wag Ganun, ikaw ang asawa dapat ikaw ang may hawak sa pera nya..
Mommy, try mo mag home based na trabaho. Ganyan na ganyan sitwasyon ko. Gustong gusto ko mag work kase nahihiya ako sa parents ko na wala akong nabibigay. Puro nalang pabor sa partner ko.
kng pwd parents mo mgbntay baby mo mommy, ive been there pro d nman aq humihingi pera ang akin gusto q mgwork! kng gnyan kakitid utak ng partner mo ang damot pa..
Buti nalang hindi ganyan at hindi rin sumbatero asawa ko. Alam mo yung nakikita mo sa kilos nya na nahihirapan sya pero ayaw nya parin na mag work ka. hehe❤
Buti nalang di kami nagsasama ng anak ko. Tapos di siya nagrereklamo kapag may hiniling akong pagkain or whatever. Di nga lang ako nanghihingi ng pera. WAHAHA
Ang hirap naman po kapag ganyan ang pgtrato ng Asawa niyo po!!!! Pray kalang po KY Lord baka marealize niya yung mga sinabi niya sayo at bumawi naman
Totoo yung freelance.. top freelancer kasi kuya ko dito sa pilipinas and nagpaturo lang ako sakanya. 50k-80k kinikita ko per month sa bahay lang akl
mom of an angel girl?❤