17 Replies

Hi mommy your feelings is valid, ganyan ako now, kasi nung di pa ako buntis makinis at maganda din talaga ang figure ko , nung nabuntis ako for 1-5 months ok pa naman medyo blooming pa pero nung nag start 6 months until now para na akong lantang bulaklak hahaha, nangitim kili kili, batok, singit, pati nga pwet ko nangitim rin🥲 nagka cellulites rin ako malala, yung dating di naman maamoy katawan ko ngayon pati mister ko sinasabihan ako ang asim asim ko na daw 😅 kahit twice a day ako naliligo sa sobrang init Plus tumaba rin ako, sobrang haggard ko na rin , nagkaka negative thoughts and insecurities na rin ako pero iniisip ko na lang ngayon lang naman to after ko manganak babalik rin naman sya sa dati kasi pwede na uli ibalik ang mga pampaganda routine and exercise

TapFluencer

Hi miii .. May mga ganyan talagang moments but, ndi naman palagi. You should be proud of all the changes na yan, that's what motherhood is. At yang sinasabi mong panget na parang ndi na ikaw eh nagluwal ng panibagong henerasyon sa mundong ito. Hindi yon madali, never magiging madali. Isa pa, whatever you see na tingin mo nakakapanget within motherhood can heal naman, or if it's weight pwede namang mag diet pakonti konti with exercise, Kung physical naman pakonti konti mag ayos ayos kahit nasa bahay lang para presentable. It will never be the same pero, pwede namang e-embrace din yung new changes.

Dumarating din sa point na ganyan tingin ko sa sarili ko,buti na lang may asawa ako na kung titigan ako,parang ganon parin sa titig niya before ako anakan ng anakan. Ipinagpapasalamat ko lang na kahit sira na din ang katawan ko at d na ako tulad ng dati, kung itrato ako ng asawa ko,ako parin ang pinakamagandang babae. So kahit madami din ang insecurities sa katawan,as long as anjan asawa ko to remind me,to thank me, and to love me,wala na akong masabi. Gumagaan lahat ng pakiramdam ko lalo kapag naririnig yung Salitang "ang ganda Ganda mo aanakan pa kita"

ur feelings are valid mi. ganyan dn ako before. hindi nga ako nag ppicture nung buntis ako kasi pangit na pangit talaga ako sa sarili ko. buti nalang din talaga yung hubby ko todo cheer up sakin and it helped. try to have someone to talk to kasi kapag preggy talaga ung hormones natin grabe to the point it causes us depressive episodes. ganun dn kapag nakapanganak kana mamsh kasi bababa naman hormones mo. andyan yung grabeng lagas ng buhok tapos di kana makakapag ayos kasi may baby na kaya grabe nanaman ang self pity. laban mi!

TapFluencer

Hello. Kapit lang. Ganyan din ako during first pregnancy, but nilabanan ko, inisip ko sino mas matimbang sakin si baby ba or un perfect body ko dati. haha! Si baby syempre pinili ko, it would help din to get reassurance from your partner at this time. But after mo manganak, there will be times na mag reminisce ka na lang talaga. changes come and go. so better if matutunan mo how to handle and control your insecurities or emotions. maniwala ka sa sarili mo, learn to enjoy the ride and love yourself more m lang. good luck. :)

hello, ako naman naranasan ko yan after manganak..umiiyak ako non dahil wala akong maisuot na damit na kakasya at madaling isuot habang nagpapasuso (hindi ko kase inasahan na makakapagpasuso talaga ko kaya di ako bumili ng nursing dress/shirt).,kapag lalabas din ung pambuntis na damit pa rin suot ko, til now..hindi na talaga gaya ng dati pero the easiest way thru it is to accept yourself as you are now 😊 makakapag balik alindog din tayo eventually. ftm here too.

sakin naman po nabuntis ako gandang ganda aq sa sarili ko,blooming... pero nun nkpnganak na ko. aun na dun na nag start lahat lahat ng kapangitan na nkkta q... na kht saan aq pmnta ssbhn nla ang puti mo noon ngaun bkt umitim kana un mukha mo umitim na tas nag matured ka. kulang nalang sbhn nila na ang panget mo na... kaya kht nwwlan aq ng cnfdnce sa self q tloy pdn. wala ganun tlaga. nasa place tau ng mga tao na panay puna...

Natural lang yan mi. Maiba talaga katawan natin pati skin. Ako din naman before nabuntis halos everyday ako nag-eexercise and every weekend nagwalking kami pamilya. Madami din ako ginagamit sa katawan at mukha kaso ngayon wala talaga ni isa, ang ginagamit ko lang talaga ay baby oil para sa skin ko lalo sa tiyan, at pangkilay hehheeh Makakaraos din tayo neto. Fighting! Isipin nalang natin si baby

VIP Member

ako nga mi from 51 kg naging 61. hahaha! breastfeeding parin kasi bunso ko mag 4 years old na, feeling ko lagi akong gutom feeling ko minsan mataba nako pero pinaparamdam ko sarili ko na sexy parin ako nagsusuot parin ako ng croptop basta kung saab alam kong magiging confident ako, tsaka never sinabi sakin ng asawa ko na mataba nako lagi niya paring sinasabi na ang sexy ko. 😂🥰

naku, mas lalaki insecurities mo kapag nanganak ka na. feeling ko sobrang pangit ko after ko manganak and until now kasi mahigit 1 month pa lang naman akong nanganak. pero iniisip ko na babalik din naman sa dati ang katawan ko, konting sacrifice lang. ang kapalit naman lahat ng 'to is yung baby ko. ganon na lang din ang inisipin mo momsh.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles