NAKAKA STRESS NA MIL

Pa rant lang mga momsh, di parin ako maka move on sa nangyare saamin nung January 1. Mga puyat pa kami dahil sa salubong sa bagong taon, medyo tanghali na kami nag breakfast. Nakatira kami ni hubby at baby sa bahay ng nanay ko, at kasama namin ngayon yung kapatid ko na umuwi galing Japan na syang sumusuporta sa nanay ko. To make the long story short, dumating ang MIL ko bigla sa bahay, derederecho sa loob, (wala kasing gate bahay namin) sabi nya "aalis tayo, punta tayo sa tagaytay" sabi nya sa asawa ko (nilagpasan ako e) dugtong pa nya "pero di kayo pwede sumama, silang tatlo lang" sabi nya sa ate ko!!! Wow grabe kabastusan, sino naman nagsabi na gustong sumama ng kapatid ko, eh kung ako nga mismo ayoko sumama eh. Sabi nya pa "susunduin kayo after 10mins". Nagulat ako, kasi hello 10mins eh tulog pa baby ko (4months old) hindi pa na kakaligo. Gigisingin ko para lang masunod gusto nya? Fast forward After 10mins eto na, derederecho na naman sa bahay namin without paying respect to my mother. Sabi nya sa nanay ko "asan na sila?" wow mas matanda saknya nanay ko, at nakikitira kami sakanya tapos kung tanungin nya parang hardinera lang? At dahil nahihiya ako sa ibang kasama sa sasakyan na naghihintay nag madali na ako para makasama kami. Yung asawa ko nagagalit na din sa nanay nya kasi ganon nga nangyayari. Nagalit pa sakin dahil ang bagal ko daw kumilos, kung sila nga daw anim na tao ang naligo tapos na agad, bat daw kami tatlo lang ang tagal. Hellooooo maliligo ba mag isa si baby?? Pucha common sense diba?! High blood na high blood ako mga momsh. Pero sige smile lang pag sakay sa sasakyan. Jeepney type yung sasakyan pero aircon naman. Nalaman ko batangas pala ang punta, hindi sa tagaytay. Sa tagaytay lang dadaan papuntang lemery batangas. Ayun inabot lang naman kami ng 4 hours traffic. Nakauwi kami 11pm. Sobrang awang awa ako sa anak ko kasi nagliligalig na halatang pagod na pagod na sya kasi karga sya maghapon pati sa biyahe. Sa fantasy world kami nagpunta, pagdating dun sabi ng MIL ko, "hindi naman yan maaapreciate ni baby" so bakit mo pa kami I sinama dito alam mo naman pala di pa maaapreciate ni baby yan? Sarap manapak nung time na yun. Nananahimik kami sa bahay eh. Pagod na pagod din ako nun dahil EBF si baby at direct latch hirap na hirap ako padedehin sya dahil di naman comfortable yung sasakyan namin. Grabe mga momsh until now ang sama sama parin ng loob ko sa MIL ko, hindi man lang sya naawa saamin. Tumatawag sya sa messenger ko, hindi ko sinasagot even yun mga chats nya di ko siniseen. Alam naman ng asawa ko kung bakit ako nagkaka ganito at buti nalang understanding ang asawa ko. Eto pa mga momsh naalala ko, after ng binyag ng baby ko (December 22,2019) alam nya na madaming nagbigay ng cash sa anak ko, kinabukasan inuutang nya yung pera ni baby. Di ako pumayag. Eh kung kami nga di namin yun ginagastos kung saan lang. Tapos nung pasko sabi nya "may nag papasko kay baby, cash pero mamaya ko na ibibigay" inabot na ng bagong taon saka lang binigay, malaman ko ginamit muna nya yung pera, mga mommy!!!! Bat ganun, pera yun ng apo nya, she's unbelievable. Di ako nagrereklamo kapag inabutan sya ng asawa ko, dahil naiintindihan ko. Pero bakit pati pera ng anak ko. Grabe stress ko momsh until now, patong patong ang sama ng loob ko sakanya. Pasensya na mga momsh ang haba ng post ko. Wala lang ako masabihan talaga ng sama ng loob.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Minsan may mga taong tigas lang ng mukha no. Hrabe