NAADIK SA ONLINE CASINO

Pa rant lang mga mi, sobrang depress ako ngayon; aminado ako na kasalanan ko. Na-adik po kasi ako sa paglalaro ng online casino. Nung una maliit lang ang taya ko, pero nitong nakaraan medyo lumampas ako sa limit ko at nagalaw ko na pati mga budget namin sa groceries. Ung kinita ng mister ko, ung half ay sa online casino lang napunta. Kaso naipatalo ko. Okay naman po noong una, nananalo ako, kaya natukso din ako na lakihan ang taya. Mas malaking taya kasi, mas malaki ang winnings. Kaso natalo po ako, naubos ang pera... tapos po sumabay pa na nagkasakit ang bunso ko. Pakiramdam ko po tuloy nakakarma ako. Nagsisisi na po ako. 😭😭

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

mas malaking taya mas malaki chance din na malaki talo... ganyan naman e kaya nga sugal mi. ang importante alam mo mali ka at nagsisisi. ang gawin mo uninstall mo yan online casino sa cellphone mo.. at maglibang ka ng ibang bagay.. matutukso at matutukso ka dyan pag nakikita mo app sa phone mo. gumawa ka ng ibang bagay like magbasa basa ka nalang ng novels o mag isip ng ibang pagkakakitaan.. mahirap pag iaasa sa sugal ang pera lalo na nagagalaw mo na yung budget niyo..

Magbasa pa