13 Replies
Hello mommy. Eto yung sa baby girl ko. Nung una red lang hanggang sa nagka ganyan. Normal naman daw sabi ni pedia pero sobrang dami kaya ni refer niya kami sa derma. Pag pasok pa lang namin ng pinto ng room ni derma normal lang daw. Walang binigay na kahit anong gamot. Cetaphil gamit namin pang paligo ituloy lang daw at araw araw paliguan pero saglit saglit lang. 1month na si baby ngayon nag start yung ganyan niya nung 1 week old siya until now may konti pa pero wala nang parang white heads.☺️
nagkaron din baby acne ang anak ko nung 1month siya, advise ni pedia change ng pampaligo kung hindi talaga mawala kase normal may ganun si baby basta wag madmai sobra. gamit ko kase ay aveeno. itinuloy ko lang si aveeno tapos nawala din. sabi ni pedia pwexe gamitin ay cetaphil gentle wash
ganyan din po baby noon, pinalitan ko lang po ng sabon panligo dati po kasi johnson's bby bath ang gamit ko pinalitan kopp ng lactacyd, then before po maligo pinapataka ko ng breastmilk yung cotton ball tapos ipapahid sa mukha ni baby...nawala naman po ☺️
Gwnyan fin po si baby nun, may nireseta yung dra. before kaso as much as possible daw kung kayang wag pahidan wag kasi sobrang tapang. Kaya chinaga ko si baby na punas ng wet towel tas lotion after. Lalo na ngayon mainit na..
Mommy kung breestfeed ka...patakan mo lgi mukha niya ng gatas mo...para kuminis...ung lo ko yn lng gmot pinatkn ko lgi...bgo cxa mligo at saka sabayn mo ng baby bar soap oilatum...mommy bili ka sa watson...
Meron din ganyan baby ko dati, johnsons yung pampaligo nya pinalitan namin ng cetaphil tas after maligo, nilalagyan namin ng fissan powder na pambaby.
Ako po gnwa ko sa baby ko petroleum lng nilagay ko before ang after niya maligo.. Nwala nman, halos buong mukha niya hanggang leeg meron sya noon...
May ganyan talaga baby, read mo po ito para mas maintindihan pa kung bat nararanasan yan ni baby https://ph.theasianparent.com/baby-acne-and-rashes
Wag niyo pong papahalik sa mister niyo na mataas ang balbas or kahit na sino na may mga balbas. Or baka naman po sa sabon yan.
Normal po yan. Sa init ng panahon po kasi. Pero nung nagpalot kami ng sabon from lactacyd to cetaphil. Nawala na po kay baby.
Anonymous