Tired ba or iba na?

Pa help naman po ako kung anong dapat kong gawin. Working mom ako at the same time 1st time mom ako, si lo ko is 3 month old. Normal po bang mag break down ako, while working at home ako nag aalaga mag isa kay lo kasi si husband nasa work na. Minsan kinakaen ako ng isip ko, gusto kong umuwi sa nanay ko para may katulong manlang kahit pano while working kaso maiiwan ko si husband mag isa other reason e INC kami pag nasa side kami ng mother ko d kami makaka samba. May time na kapag nag loloko si lo at nag wowork ako nasisigawan ko sya at may time na nang gigil ako sa kanya medyo nahigpitan ko ang hawak. Iniisip ko baka nababaliw na ko. Or part ng postpartum. D ako sigurado naiiyak na lang ako mag isa habang buhat si lo at naka harap sa computer. Any tips or help para sakin mga momy's like me na pinag daanan din to. Thank you po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kuha ka ng kasama mo mhie, mahirap tlga pagsabayin. Ako nga na working dad inuna ko ung pagaalaga sa baby twins namin nung maliliit pa sila. Sinacrifice ko work ko nun at hnd maganda performance ko. Basta priority ko ang mga anak ko. Buti hnd ako ntanggal mhie.

3y ago

yun nga din po iniisip ko e. baka matangal ako kapag pinilit ko po. kaso need din namin pareho mag work kaso d kaya pag sabayin sa pag aalaga breast feed pa rin po kasi kaya sobrang hirap.