PAGTITINDA

Pa advice naman po. Full time mom po ako at breastfeeding. Nandito po kami sa side ko. Naisipan ko po magtinda ng meryenda sa labas ng bahay..kasi sayang dahil wala naman nagbebenta dahil karamihan mayayaman nakatira. So bale mdalas ang nabili sakin is mga dumadaan na nakasasakyan, nakamotor.. Mga binibenta ko po is Lumpiang togue, turon, mangga with bagoong tapos mani.. Kaso nananawa yata.. Tapos maliit lang naman po tubo ko.. Gusto ko po sana maghalo halo. Kaso sabi nung MIL ko, wag daw kasi di pa naman tag init. Baka may maissugguest po kayong pwede ibenta.. Salamat po..

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mga tusok tusok kaya momsh? Fishballs, kwek kwek, fries? O di kaya something sweet like kamote fries? Malapit na din naman magsummer pwede mo din mapush ang halo halo at shake later.

Bananacue, kamotecue, palitaw, ginataang mais or bilo bilo, palabok, spag, pancit, siomai, siopao, saging con yelo or mais con yelo.😍