Recommended baby wash
Okay po ba to para kay baby? O ano po mas okay? Eto nadin sana dalahin ko sa hospital nakita ko kasi sa online mura na kaya bibilihin ko na sana 😅 #advicepls #1stpregnnt #momlife
maganda po talaga cetaphil pero make sure sa drugstore or mall kayu bumibili kasi maraming fake ngayun online, d kaba nag tataka ang laki nang agwat ng price nila compare sa mga mall. be wise momy para narin sa safety in baby maka maka sama pa yan Kay baby..
Maganda ang Cetaphil mamsh.. Yan din ang gamit ng baby ko nun.. Ngayon kiddo Na sya stick pa din kami sa Cetaphil na Lotion then switch sa oilatum na bar soap na.. Pero I suggest better if you won't buy online unless flagship store bibilan mo.. Mahirap na..
Cetaphil din gamit ng baby ko and maganda sya gamitin..bumibili din ako sa shoppee pero pagdating sa skin ni little one ko..sa pharmacy talaga ako bumibili kahit pricey sya..mas better if sa pharmacy ka nalang bumili momsh or watsons,mas legit pa.
mahirap po bumili tru online momsh d mo alam.kung fake or real lalo na baby ang gagamit try niyo nalang po bumili sa watsons at mercury medyo pricey po kung nagtitipid ka try mo na din ang johnson baby bath mura lang din po maganda din sa baby
Maganda po ang Cetaphil Baby especiqlly sa mga newborn. Ingat lng po mommy bumili sa online kasi maraming fake. Price po tlaga nya sa Mercury drug nasa 317php ang 230ml, so kung mura tlaga online baka fake po
ako suki ako ng shopee pero never ever ako namili ng cetaphil online.. kakatakot lalo pa para sa skin ni baby.. since birth til now mag 11mos n c lo sa mercury lang ako namimili para sure.. hehe
make sure lang na legit ung cetaphil lalo na pag masyadong mura mo nabili online at hindi mismo sa store ng cetaphil. ung nabili ko ganyan, fake po, parang body wash ng panlalaki sa tapang ng amoy.
Yes mommy maganda po ang Cetaphil, dobleng ingat nalang po if online mo nabili tapos mura lang. Sa mga legit store ka po bumili mommy, Watson's, Drugstore etc. Mahal talaga ang Cetaphil mommy.
mahirap po bumili nyan online, sa laz mall or shopee mall po dapat pag online pero mas ok kung sa mga drugstore or grocery para mas sure na legit at authentic
Okay naman siya mommy.. Pero depende pa rin po kung mahihiyang si baby.. Better buy na lang ng maramihan pag nasubukan niyo na kay baby😊