Need po ng advice.

Okay na po bang hindi inumin yung multivitamins at ferrous na galing sa center 2 months naman na din po kasi ako umiinom non tapos binigyan pa ako ng calcium carbonate , ang dami ko naman na daw po kasing iniinom sabi ng partner ko kaya nag woworry sya. Thanks in advance po sa sasagot🙂#1stimemom

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag nyu po sya tignan as gamot. kc hndi po sya gamot kasi multivitamins po yan. tsaka iba iba function nila calcium is for bones and teeth. merong pra sa dugo mga ganun. swerte k po libre lng sau akin lhat binibili ko pa be thankful po o kya pg my binigay n vitamin i research mu sa google pra maliwanagan ka. i hope maenlighten ka

Magbasa pa

bakit ka makikinig sa partner mo ehh ikaw yung preggy and dapat nga inencourage ka pa ng partner mo na inumin nyan kasi para sa baby mo yan chaka para sau..if you want your baby to be healthy better listen to your ob..lalo n ngayon n may pandemic dapat strong ang immunity and body mo..

ferrous need po sa development ng baby para walang birth defect. ganun talaga pag buntis marami vitamins. sakin nga ferrous, calium at obimin. plus maternal milk pa. Si partner ko araw-araw nakacheck kung nainom ko mga vitamins ko at galit kapag pumalya ako.

Mommy inumin mo vitamins mo. What if kulang ka pala sa nutrients ang mga kinakain mo, kawawa si baby. Ako nga kahit mahal mga vitamins ko basta mabili lang namin para mabigyan ng sapat na nutrition ang baby ko. Binigay yan ng center dahil kailangan ninyo yan.

need muh po Yan mommy..hnd lhat Ng iniinom ntin ay pra s baby o pra sau lng..para Yan s inyong 2 yan..wag po kau matakot mgtake Ng vitamins Kung reseta nmn Ng ob or midwife..Alam nla Yan Kung mkkasama s inyo ni baby o hnd..good luck po..😊

inomin mo lang mamshie. ako nga simula mapreggy ako 6 na klase ng vitamins iniinom ko. hehe nasusuka na ako minsan hirap lunukin kse may 3x a day at may 2x a day iba pa yung gamot kapag may UTI. para sainyo rin yan sis ni baby god bless po

Hindi po ibibigay sainyo ng center kung makakasama sainyo. Kailangan nyo po yan for you and your baby. Ferrous para sa dugo and calcium dahil para sa bone development ni Baby. Lalo na sa panahon ngayon yung multivitamins para sa resistensya nyo.

4y ago

opo, thank you po sa good answer ☺️

Hindi naman yan ibibigay sa yo ng taga center kung makakasama sa yo. Ako nga apat na vits iniinom, twice a day pa ang dalawa. Mag research din if may duda ka. Saka di naman yata doctor partner mo eh?

safe po Mami yung ferrous kasi para sa dugo mo yan, pag lalabas si baby marami daw dugo lalabas sayo kaya kailangan nyan, and sa calcium naman need rin yan para sa bones mo at bones ni baby.

Mas maigi na inumin nyo po mga vitamins na binigay sa inyo importante yan sa pagbubuntis nyo wala po nakakaworry dyan kailangan nyo po talaga yan para maging healthy ang pagbubuntis nyo.