Banana for baby

Okay lang ba bigyan ng saging ang baby na 8 months? Minsan kase nung binigyan ko sya naging super tigas ng pupu nya. Breastfeed po si baby. Malakas din naman magwater after eating. Di ko na muna inulit bigyan kase naawa ako nung umiire sya sobra syang nahirapan magpupu nun. May nakaexperience din po ba na ganito sa inyo? Thanks po mga mommies.

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-5236862)

Hi mommy, okay lang po yung saging. Baka po naparami ang bigay nyo kaya tumigas nang sobra? kay baby ko kasi half lang binibigay ko, okay naman pupu nya.

yung lacatan po na saging ang ipakain mo.hindi po yan nkktigas ng poops,baby ko kahit araw araw gustong gusto nya yan.hindi sya hirap magpoops.

sa akin simula kumain ng 6 mos si baby ko ng banana di naman siya nahirapan magpoop.. hinahalo ko kasi sa rolled oats + milk

hi momshie pwede naman po pero in moderation or gawin mong smoothie samahan mo ng ibang fruits na good for digestion

Ok lang po ang banana. Also, give water na lang rin po after ☺️

wag mo ipkain yung saging na nakakatigas ng tae like latundan

small portion lang muna mi.. tapos lagi may water si baby.

Kunti lang po, nakakatigas talaga ang banana.

VIP Member

okay lang po. basta hindi po sobrang dami.