2 Replies
For FIRST TRIMESTER PATIENTS ( 14 weeks and below) STAY AT HOME na lang kayo if wala naman kayo nararamdaman na kakaiba. Kelan kayo mag consult? Kapag may VAGINAL BLEEDING/SPOTTING/ABNORMAL DISCHARGE, ABDOMINAL PAIN ( pananakit ng tiyan, sa sikmura or sa puson) , matindi headache, fever, matinding pag susuka, or pag tatae. Pwede kayo mag message muna sa page na to para ma advise ko kayo if pwede ang home remedies or kelangan ko na kayo papuntahin sa emergency room. Kung wala naman ang mga nabanggit ko sa taas, mas ok na manatili na lang kayo sa bahay. Ang kelangan nyo lang na vitamins ay FOLATE or FOLIC ACID ONCE A DAY or, FOLIC ACID with IRON ONCE A DAY and ASCORBIC ACID or VITAMIN C, 1 GRAM per day ( 2 tabs per day kapag ang nabili nyo ay 500 mg tablet, pwede sabay or pwede magkahiwalay). Kahit ano brand pwede and lahat yan safe sa buntis kahit ano pa brand name. Bahala kayo kelan nyo gusto inumin, pwede after meal para hindi nyo na makalimutan, pwede din naman sila inumin kahit hindi ka bago kain. Pwede din na kumain na lang kayo ng mga pagkain na mayaman sa mga bitamina na nabanggit ko, naka tipid pa kayo ( paki google na lang ano mga pagkain na un, para may magawa naman kayo). Para sa kin ang maternal milk like anmum etc ay hindi naman kelangan, hindi yan A MUST in pregnancy. Wala ako alaga na pinapa drink ko ng maternal milk. Para sa kin lang to ha, syempre pag patient kita, susunod ka dapat sa kin :) Si baby hindi nyo pa talaga yan ma feel sa tiyan nyo. Usually pag first time Mom kapag 18-20 weeks, kapag second baby pataas mas maaga nila na feel ang movement ni baby, around 16-18 weeks. Pero pag first trimester, malamang hindi pa, baka bullate LOL Okay? Mas safe pa din sa inyo mag stay na lang sa bahay. Wag na tayo maki dagdag sa mga tao na nasa labas. Alam ko papayagan kayo sa mga checkpoint kasi ang reason nyo is prenatal check up pero wag na, makakapag hintay pa naman yan. Meron nga ako first meeting naming sa delivery table na, papa irehin ko na lang.. LOL. Kahit ilan weeks pa kayo tatanggapin ko kayo sa clinic basta matapos lang to crisis natin muna. Kaya Natin to. Wag na sana tayo maging makulit. God is Control. Cooperate na lang with the Government. This too shall pass. God Bless everyone. Post from OB Dr. Bevs Ferrer
Ok lang po yan
Rachelle Tañada