I had missed miscarriage

Oct 26 nagpt ako ksi delayed na mens ko at nagpositive sobrang tuwa namin. Oct 28 unang check up ko nalaman na im 5weeks pregnant sac plng nkita kaya pinapabalik ako afyer 1-2 weeks binigyan ako vitamins at mga pampakapit. after 3 weeks na ko nkabalik, Nov 19 bumalik ako at dun nkita na may heartbeat na si baby at ok naman dw sya sbi dok, binigyan lng ako 4 na klaseng vitamins sobrang saya tlga namin nun ksi after 9yrs masusundan na first baby namin. Then Nov 27 na uti ako, akala ko mwwla after ko uminom ng maraming tubig at cranberry juice gaya ng ginawa ko b4 ko pa malaman na preggy ako kasi nauti dn ako nun pero nakuha naman sa water and cranberry juice. So eto na nga d nkuha sa mga ininom ko na yan (d ako nagtake ng ibng gamot) nilabasan ako ng brown discharge 2x nung araw na un akala ko ok lng ksi konti lng naman kako naglalaba dn ako nung arw na un nkramdam ako na medyo masakit yung tyan ko kaya tinigil ko paglalaba ko sbi ko ipapahinga ko nlng (may mali na pla kay baby nun 😭) tapos lumipas sabado ok naman ako, linggo nilabasan na naman ako discharge na may kasmang dugo sbi ko sa sarili ko kelangan ko na tlga magpacheck kinabukasan lunes Nov 30 nagpacheck up na nga ako at dun nakita na wla nang heartbeat c baby 😭 exact 10weeks na sya nung araw na un. Para kong pinagbagsakan ng langit at lupa, natulala ako d ako mkpagsalita hbng kinakausap ako ng doktor. Pigil na pigil iyak ko hbng nasa loob ng clinic. At paglabas ko d ko msbi sa asawa ko iyak nlng ako ng iyak hnggang sa makauwi kmi. 3 days iyak ako ng iyak kht hating gabi, ngppsalamat ako sa asawa ko d nya ko iniwan nung mga araw na un lagi nya ko inaalo. Sbi nya tanggapin nlng namin dhl may ibang plano ang Diyos para samin lagi nya sinasabi un pg nkikita nyang umiiyak ako. Sobrang sakit. Tas nung ika 4 na araw nagpasya ko magpagupit ng maikli ayaw nga ng asawa ko pero ginawa ko prn ksi prng un ung sign pra mkpag move on na ko and un na dn ung huling araw na pag iyak ko ng dhl sa nangyari. Tanggap ko na d pa sya tlga para samin. Hindi ako nagparaspa pwede naman dw ksi natural way sya lumabas hinintay lng namin, nagtake ako ng evening primrose and nung Dec 7 humihilab hilab na puson ko tas para na kong may regla pero mahina lng tas Dec 8 ng gabi lumabas na sya. Dec 9 nagpacheck up ako nkita sa transv na konti nlng nkitang dugo halos lumabas na lahat. Binigyan lng ako ng gamot na pampalabas ng natirang dugo. Sa ngayon ok naman na ko, tumigil na dn paglabas ng dugo. Hinihintay ko nlng kung kelan uli ako rereglahin at magtry uli kmi makabuo.#theasianparentph

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

condolence po. next time kahit na konting discharge pa lang, magpacheckup na agad dahil walang normal na discharge.

VIP Member

πŸ™πŸ™πŸ™ God has His reasons. ibibigay nya din yan in his own time