nakakalito na due

nung unang ultrasound ko po is transvaginal September 18 2020 nalaman ko na 13 weeks and 1 day na kong preggy ang due kodaw po is march 25 2021, then second ultrasound ko po October 23 pelvic ultrasound,nakita na po gender ni baby ko its a boy po, 17 weeks and 5 days naman ang lumabas na gestational age ni baby then march 28 naman po ng edd ko.? nakakalito diko alam kung ilang weeks na ko preggy ngayon alin po ba ang susundin yung Una o pangalawang ultrasound po?salamat sa sasagot.#advicepls #1stimemom #firstbaby #pregnancy #theasianparentph

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede magbase ang OB sa size and development ng baby, madedetermine kung anong month ka ng pregnant. Just like me, irregular ako and hindi ko alam ang LMP ko kaya binibase ni OB sa size ng baby tas alam na niya kung ilang months na.

Naiba lang ang due date ng +/-3 days kasi mag bebase sila 1. Sa LMP or last menstrual period mo 2. Base sa Ultrasound. Estimate pa rin naman ang due date mo dahil di depende pa rin sa kalagayan mo kung kailan ka manganganak.

unang utz/tvs po kayo mag base mamsh. kasi sa Pelvic utz binabase nila sa size ng baby kaya naiiba po 🤗

sundin mo unh last ultrasound mo momsh. kasi un na ung susundan ng OB mo. ganun ganun dn ako nung una.

base po sa mga nabasa ko sis.. sinusunod ng mga OB laging 1st transV/UTZ

please answer po salamat

4y ago

sabi ng doctor, 1st ultrasound ang masusunod