share lang po.
Nung nalaman ko na preggy ko halo halong emotion kung ano ano pumapasok sa isip ko. Tatanggapin ba ni boyfie? Paano ko sasabihin sa family ko?kasi hindi pa kami kasal? At isa pa po may ovarian cyst kasi ako non kaya ang dami nagsasabi mahirap ako magbuntis tapos nag iingat naman kami ni boyfie. Ilang araw nun ang sama sama palagi ng pakiramdam ko umabot na sa point na nakakasagutan ko na manager ko sa work. Dumating ang area manager namin napansin nya iba ugali ko unlike dati at iba daw awra ko tinanong nya ko if may sakit ako para makapag leave ako kasi may nagkwento pala sa kanya ilang araw na kong iritable. Sinabi ko na masama lang po talaga pakiramdam ko dis fast few days ma'am. She ask me kung ano ano mga nararamdaman ko. Sinabi ko lahat at yun nagsuggest sya na mag pt ako dahil alam nya rin na live in kami ni boyfie. Pinag out nya ko ng maaga and sabi nya bumili agad ako pt 2.para gamitin ko pag uwi at sa pang madaling araw.nung nasa cr ako kinakabahan ako na pinagpapawisan at yun positive pinakalma ko sarili ko pero hindi keri iyak ng iyak. Kinabukasan check up agad confirm buntis pero paano yung cyst ko? Kaya nagpa tranvi.agad ako and thank god wala na yung cyst ko sabi ng ob ko nung nabuo si baby ko bigla daw nawala sabi nila miracle baby ang baby ko w/c is for me totoo sya kasi sya ang naging lakas ko. Nalaman ni boyfie una nagalit gusto nya ipalaglag ayaw sabihin sa parents nya tapos nung nalaman ng parents nya gusto naman nila itago sa family ko buti nalang umuwi ako samin mag isa kinaya mo momsh. Malayo palang nakita na ko ng ate ko biglanv sabi nya.ano problema ? Ayun biglang umiyak ang lola nyo at andun din mother ko nag iiyakan kami pero after nun pinalakas nila loob ko.( wala na po ako father) After a week naka chat ko si bf at kung ano ano nasabi namin sa isat isa na masasama. Nagpahinga muna ko ayoko ng stress. 2months na tummy ko nun bigla sya tumawag susunduin daw nya ko sabi ko ayoko ng gulo. Pero after 6 hours andun na sya samin kinausap nya family ko and inuwi nya ko dito sa kanila. Haizt akala ko ok na hindi pa pala dahil sa epal.na family nya lalo na nanay nya na galit na galit bakit daw kinuha pa ko. Ayun buti natauhan si boyfie wala sila nagawa kinasal kami nanganak na ko. Ngayon kung maarte ako sa anak ko mas maarte asawa ko. Over pretective si hubby kay baby tapos spoiled pa sa kanya every rest day ni hubby lumalabas kami. Haizt hindi po talaga tayo papabayaan ni lord and salamat dahil binukasan nya mata at isipan ng asawa ko nung mga araw na kaylangan ko sya.