Nung nagbubuntis ako, grabe ang stress ko sa family...Sobra talaga, too personal to share.
so eto na nga lumabas na si baby...nangiti naman sya kaso napakabugnutin, mainipin, hanap lagi karga at dede. Makakausap mo saglit lang tapos maiinip nanaman, o kaya aantukin na . 2months na pala si baby girl.
tapos napapansin ko, madalas syang magsuplada, yung tipong tuwing umaga, masaya sya kausap tapos kapag after ng tulog nya ng tanghali hanggag gabi, kahit kilala nya yung taong kumakausap sa kanya, hindi nya pinapansin. paano ko nasabi? hinaharap ko na mismo sa tao si baby ko, tapos ipapaling nya sa iba yun mukha o paningin nya. naloloka na ako, na natatawa.
kapag may tunog naman yung laruan na pinapakita ko sa kanya, okay naman..nagtataas taas pa ng balikat...ewan ko ba pakiramdam ko napaglihian ko yata ang stress kaya yung baby ko di palangiti, napakalimit kapag maganda lang ang mood.
dapat ba akong mag-alala mamsh? may baby ba talagang bugnutin?
Anonymous