Pinaglihu sa sama ng loob

Nung nagbubuntis ako, grabe ang stress ko sa family...Sobra talaga, too personal to share. so eto na nga lumabas na si baby...nangiti naman sya kaso napakabugnutin, mainipin, hanap lagi karga at dede. Makakausap mo saglit lang tapos maiinip nanaman, o kaya aantukin na . 2months na pala si baby girl. tapos napapansin ko, madalas syang magsuplada, yung tipong tuwing umaga, masaya sya kausap tapos kapag after ng tulog nya ng tanghali hanggag gabi, kahit kilala nya yung taong kumakausap sa kanya, hindi nya pinapansin. paano ko nasabi? hinaharap ko na mismo sa tao si baby ko, tapos ipapaling nya sa iba yun mukha o paningin nya. naloloka na ako, na natatawa. kapag may tunog naman yung laruan na pinapakita ko sa kanya, okay naman..nagtataas taas pa ng balikat...ewan ko ba pakiramdam ko napaglihian ko yata ang stress kaya yung baby ko di palangiti, napakalimit kapag maganda lang ang mood. dapat ba akong mag-alala mamsh? may baby ba talagang bugnutin?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Honestly hindi pa po talaga clear ang vision ng baby by that age. At yung mga smiles niya unintentional pa. Mas takaw pansin sakanila yung noisy or moving object. At mas gusto din talaga nila mga mothers nila, dahil dala sila sa loob ng tyan for 9 months at hindi sapat yung 2 months sa labas ng tyan para maka-get over. Lahat po talaga ng baby ganyan. Kahit baby ko laging nakakunot ang nuo at masama ang tingin. Na-appreciate ko lang yung tunay niyang tawa at smile nuong 4-5 months old siya. Kasi talagang natingin na siya sa mata habang tumatawa.

Magbasa pa
2y ago

ow i see. salamat po sa pagshare...siguro dulot lang ito ng inggit na nakikita ko sa kasabayan kong mga mamshie kasi yung baby nila may moment na nakakausap ng maayos at nangiti...well, will not pressure my baby nalang, will love her more 🥰