Normal lang po ba na magdecrease ang fetal movements within 22 weeks & 3 days pregnancy?
Nung mga nakaraang linggo po sobrang likot ni baby sa loob ng tummy ko tapos nito lang linggo biglang halos di na sya malikot. Halos di ko na maramdaman movements nya. #1stimemom #advicepls
hello mommy. ako po at 26 weeks, nakaka experience padin po ako ng mga oras na hindi ko nararamdaman yung movement ni baby. nung nakaraan, parang isang buong araw ang hinhin lang ng galaw nya na halos di mo pa nga ma-feel. during nung weeks ko sa kalagayan mo, ganyan din po ako. may mga araw din talaga na di ko sya mafeel and wala din akong doppler to double check kaya mas doble praning lalo then given na anterior din ang placenta ko same sayo. hindi din umeepek sakin yung kain ng matamis at inom ng malamig kaya medyo nagpapanic nadin ako. pero palagi mo lang po sya kakausapin and pray ka lang po. palagi naman sila protected ni God. 🥰 ngayon araw-araw ko naman na nararamdaman si baby pero may mga oras lang talaga na mahinhin. dadating din yung weeks maam na mas mararamdaman mo na sya. and excited din ako maexperience yung tulad ng sinasabi ng iba na halos din na sila pinapatulog sa likot. hehe.
Magbasa paAng alam ko po mga last few weeks po dumadalang ang galaw ni baby dahil masikip. Dapat ata malikot siya sa ganyang stage pero may mga days po na iba talaga. Baka na-busy ka po mommy kaya di mo lang naffeel or baka nagrerest lang si baby most of the time. For assurance, I suggest, based on experience bumili po ko ng doppler gagamitin ko lang po pag kinakabahan ako pag madalang gumalaw si baby sa isang araw or pag na-busy or may ginawa akong nakakapagod. Para lang po mare-assure kayo :)
Magbasa paThankyou mii sa pagsagot, medyo nakakapraning po kasi. Pero sabi naman po ng kawork ko within 5th month medyo nadalang daw po ang galaw ni baby. Siguro po nag aadjust pa sya kasi medyo malaki na sya sa stage na to. Godbless mii
if you feel something is off, inform mo na agad si OB. at 22wks baby is still too small and can still freely move around our womb. dapat mas malikot sya sa ganyang stage. Dumadalang ang galaw ni baby, kapag malapit na tayong manganak kase sumisikip na yung pinaglalagyan nila sa loob. Pero dahil anterior placenta ka, most common concern talaga yung di masyado mafeel movement ni baby dahil nakaharang ang placenta mo sa harap. But as long as nararamdaman mo pa rin sya, there's nothing to worry about.
Magbasa payes, mi. ako nga kahit posterior ang placenta nagwworry basta bigla syang tumahimik sa loob. nkakaparanoid din kase talaga.buti nalang i'm already 30wks, konting kembot nalang makakasama na rin namin siya 🥰
nung 22 weeks ako, sabi ng ob, subtle movements pa lang daw si baby. sa 3rd trimester pa yung bibilangin na maka-10 movements siya in an hour. so no need to worry. but for your peace of mind, pwede ka gumamit ng home doppler. yun ginagawa ko, kasi minsan tulog si baby sa tummy, ayoko naman istorbohin. 😅
Magbasa pakaya nga po. Di ko po kasi talaga sya masyadong maramdaman ngayon unlike past week na malikot talaga sya. Siguro kailangan ko na din pong bumili ng home doppler para sa ikapapanatag ng loob ko
pag nauuna ang placenta asahan mo di mo gaano ramdam galaw ni baby katulad sakin 6months preggy anterior ,nauuna ang placenta kaya di gaano ramdam galaw ni baby panay paninigas sa puson sa kanan at pitik pitik sa puson din
Magbasa pasame
sakin po 33 weeks and 2 days Anterior placenta. magalaw sya ☺️ active sya pag gising ako Pag tulog ako tulog din sya ☺️🥰 cguro sayo mommy tulog sya pag gising Ka tapos Pag tulog Ka dun sya nag lilikot. baby girl po ung sakin
same tayo mii. anterior din po sakin pero baby boy naman. 🥰
Track mo po pag gising at active si baby sa tyan dapat maka 10kicks siya😊 if may mapansin ka iba.. Much better pacheckup kay OB mi kaysa balewalain
thanks po
Same tau mommy. 21 weeks super magalaw sya, this week is mejo hndi ko na halos ma feel. Still waiting for my fetal doppler.
nakakapraning mii kapag di gumagalaw masyado e. nakakapanibago kase. Need ko na talaga fetal doppler 😇
Mas dapat ngang define na ang movements ni baby kase mas malaki na sya at mararamdaman mo n tlga
inubo at sipon na po ako kakamalamig, kaya nagstop muna ako ngayon 😇 siguro yun nga din po nakaapekto sakin kaya malikot sya before. Oras oras ako may kinakain na chocolate at nainom ng malamig
yes mommy as long as everyday gumagalaw siya
Excited to become a mum