Toktok sa Pintuan

Nung gabing nasa hospital ang mga magulang ko kasi pina check up si papa, kami lang dalawa nang kapatid ko sa bahay. Kasi yung mga ibang kapatid ko nasa kapitbahay namin. Tapos tahimik na nun eh, wala na masyadong tao na naglalakad. Nagsusulat ako ng notes habang kapatid ko nagce cellphone. Maya't maya may narinig kaming may nagtoktok sa pintuan namin. Sabi ko sa kapatid ko na baka nandyan na sila mama. So binuksan ko ang pintuan, pagka bukas nun walang tao. Sabi ko ang weird baka may nag tritrip lang, so binalewala nalang namin. Maya't maya uli, may nag toktok ulit,binuksan ko wala ulit. Naiirita na ako , maya maya nandun na naman may naq toktok ulit ng sampung beses so sinisigawan ko na kasi di na nakakatuwa. Dun tumahimik, pero nang bigla nalang lumakas yung toktok niya, so natakot kaming dalawa ng kapatid. Malayo kami kunti sa kapitbahay namin kaya di kami nila maririnig. Umiiyak na kami sa takot kasi iba yung pagtoktok parang gusto na sorain yung pintuan namin. Nagdasal kami nang kapatid ko, hanggang sa biglang nawala yung ingay sa pintuan. At narinig na namin yung tinig ni mama. Dun kwinento namin sa kanila yung nangyari. Hanggang ngayon di ko parin makakalimutan yun. Na trauma na ako sa nangyari. Salamat po sa pagbabasa #MagandangGabi

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

๐ŸŽƒ๐Ÿ˜ฑ๐Ÿ‘ป๐Ÿ˜ฑ