Breastfeeding Awareness Month

Nung buntis ako.. Di ko masyadong inisip or hinanda sarili ko magpabreastfeed.. Sa isip ko nun.. Kung may gatas ako eh di breastfeed, kung wala eh di magformula kami.. (happy go lucky pa rin sa decision making kahit manganganak na ko😊) Nung nanganak ako dun lang ako nakapagdecide magbreastfeed kami.. Bukod sa masustansya para kay baby, libre pa😊 nagpapasalamat ako kasi sinusuportahan ako ng asawa ko sa breastfeeding journey ko.. (oo siya tiga bili ng lactation treats, drinks and medications ko) Sa simula nagkasugat sugat yung nipples ko and puyat is real talaga.. Kaya sabi ko kahit 1 month lang para naman hindi maging sakitin si baby.. Nung umabot ako sa 1 month.. Sabi ko ulit kahit 3 months.. Umabot kami ng 3 months😊 Ngayon 6 months na kami.. tuloy pa rin kami sa breastfeeding with complimentary feeding na shempre. Oo, kahit may kasamang pangangagat ng nips at parang palagi na kong human pacifier ni baby.. Tuloy ang laban😂 Kahit may mga panahon naiisip ko magshift na sa formula kasi nakakapagod and nahihirapan na ko.. Mas nangingibabaw pa rin yung kagustuhan ko na magpabreastfeed.. Kung kakayanin hanggang 2 years old, why not😊 Ikaw, Anong breastfeeding story mo? 😊

Breastfeeding Awareness Month
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

EBF kami hanggang 3 months then mix feed nung back to work na ako. Nasa 5 oz lang keri ipump pag nasa work kaya kailangan ng support pero unli latch naman kami pag nasa house. Pampatulog nya din kasi. Umabot kami ng 3 years 2 months kasi nabuntis na ako and may super maliit na spotting tas sa UTZ may subchronic hemorrhage kaya kailangan siya iwean. Before pa siya ni wean, may times na sinasabi nya na mag stop na siya or pipilitin nya hindi dumede kahit kitang kita mo na gusto pa din nya dumede kasi panay haplos sa boobies tas lalapit pero pipigilan na dumede. Nakaka durog ng heart na makita mo anak mo na ganun.😭 Nakaka awa siya. Ako nagka SePanx ata sa pag BF 🤣 pero nung naging preggy na ko, naintindihan naman ni kuya na need na nya mag stop. Nakakasleep na siya ng hug lang and walang dede. Iba talaga bonding ng mommy & baby sa pag BF kaya ipush ko ulit mag BF pag labas ni baby #2 😍🤱

Magbasa pa

First Baby ko palang gusto ko na EBF . kaso walang nag susupport saka bata pa kame as usual ung nanay ng tatay ung nag susustento ang nasunod . walang pang sariling desisyon eh kaya nung nagka second baby ako EBF upto 3 years and 4 mos . ngaun third ko wala na akong takot pagkatapos kong manganak dahiL alam kong wealthy ang gatas ko dahiL sa alaga ng asawa at mama nya naalagaan nuod sa mga pampagatas kaya ngaun alam kong madami akong gatas na iLalabas sa unang araw palang . ❤️❤️❤️ salamat sa mga sumuporta sa pagpapasuso ko 🥰🥰

Magbasa pa