Delayed but Negative

November 1 to 5 po last mens to until kahapon wala po akong regla nag pt po ako kanina pero yung ihi po na ginamit ko is yung unang ihi ko sa umaga ayan po ang lumabas negative po yan diba at walang faint line. Possible po ba na pangit na PT lang po ang ginamit ko kaya nag negative or baka nag expired na yung hcg ng ihi ko kaya di na nadetect ng pt. Plsss palinaw naman po first time ko lang po kasi pero kanina lang dinugo ako nangamgamba lang kasi ako dapat December 1 meron na ako sobrang late na expected ko may baby na ko pero ganyan at biglang may dugo. Iniisip ko spotting pero sabi naman nila ang spotting konti lang ang akin kasi medyo napupuno ang napkin.

Delayed but Negative
6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Delayed kalang ata Mamsh .baka stress ka or panay travel. ganyan din kasi ako dati. .but more than 3 days delayed, nagdududa na ako. 😊 pag mag checheck ka ulit for PT, first ihi in the morning, and in between sa ihi, dun kayo kumuha ng sample.

2y ago

Grabe po kasi stress ko this Nov and Dec. baka talagang na apektuhan mens ko kasi may history ako na nag lalagas buhok ko sa stress baka pati regla ngayon na aapektuhan na🥺

negative po talaga sya delayed lang po talaga kayo may ganyan po kasi nangyayari . kasi po kung buntis po talaga kayo may faint line po nalalabas po dyan sa pt okey namn po ung pt po nayan ganyan din po ginamit ko.

2y ago

baka po talaga delayed lang means nyo po.

Nov. 1 rin po last mens ko, nag PT po ako Dec. 2 dalawang araw po akong delayed nun positive na po. Pacheck nalang po kayo sa OB or magpa transV para sure

Kung 1st week of Nov pa LMP mo better na mag pa transV na po kayo. Makikita na sa utz lung may baby ba o wala.

2y ago

magkano po ba inaabot ng pa trans V? pasensya na po bago lang po kasi ako sa ganito

VIP Member

Positive ako first 2 pt. Sa 3rd, negative na

Post reply image

baka nag change ang cycle mo mamsh

2y ago

ay may possible po pala na ganun 28-31 days kasi cycle ko kinabahan ako sa sobrang delayed kala ko buntis na ko🥺