6 months pregnant

Not a question. I just wanna share sa nararanasan ko right now. Nung hindi pa ako buntis, nakakaranas ako ng hilo. Yung lagi kang nakahiga tas pagtayo mo iikot paningin mo. Pag ganun yung nangyayare saken, medyo dinidilat ko mata ko tas pipikit tas didilat tas mawawala na. Pero ngayong buntis ako, lumala. Simula nung nabuntis ako, hindi ako naglalalabas ng bahay kase nahihiya ako sa mga kapitbahay. 19 y/o palang kase ako ?. So bali nakahiga ako lagi. Tatayo pag iihi, kakain. Nakakatamad kase sobrang init kase summer vacation. Naiirita ako pag nakakaramdam ako ng init sa balat. Lagi akong nag a'aircon sa kwarto kaya sa kwarto lang ako. Sobrang init kase sa sala namin kala mo free trial sa impyerno. And isa pa, naglilihi ako. Nagsusuka, nahihilo, walang gana kumain. Sobrang hirap ako nung 1st trimester ko. Nag aantay ako mag 4 months para makakain nako ng masarap kase namimiss ko na kumain ?. 4 months ko, eto na sobrang saya ko kase sa wakas makakakain nako ng hindi na sumusuka. Kaso one time, nahilo ako bigla. Akala ko yung hilo na yun, mawawala din. Naranasan ko yun umaga pagtapos ko kumain. Ulam namin nun, tinolang manok. After ko kumain, nag dikdik ako ng yelo sa lababo then nakakaramdam nako ng hilo. Pinipikit pikit ko mata ko baka mawala din. Pero nope. Hanggang sa pumunta akong lamesa dala yung yelo, tas sabi ko sa mommy ko, 'mi nahihilo ako' tas biglang boom. Muntik nako mapahiga buti nasalo ako ng mommy ko. Tas bigla din akong nasuka, edi diretso ako lababo. Sinuka ko mga kinain ko. After nun, okay nako. Sabi ko siguro hindi lang ako natunawan. Not sure pero siguro going 5 months or 5 months na mismo. Eto na 2nd time kong naranasan. Nasa cr ako kakatapos ko lang maligo. Nagbihis ako doon. Wala pa akong kain nun kase tanghali na din ako nagigising kase di ako makatulog sa gabi. Nakaramdam ulit ako ng hilo. Then biglang nag collapse ako. Nag black out ako sabay ng pagdulas ng paa ko kaya napaupo ako sa sahig ?. Then nagising din ako agad tas kinakatok na nga ako sa cr. Tas ayun alalang alala sila kase buntis nga ako. Pero nagulat talaga ako kase sa sobrang hilo ko nag collapse ako bigla. Pero hindi ako sumuka nun. Going 6 months, check up ko sa ob ko nun. Kumain ako ng champorado bago pumunta. Tas nung nasa ob na kame, sinabe ko mga nangyare. Pinagalitan din ako kase medyo ilang araw na din ako lumipas tas now ko lang nasabe. Mga ilang mins na check up, nakaramdam ulit ako ng hilo. Yung hilo na naramdaman ko nung pagtapos ko kumain pati sa cr, parehas na hilo nung nandun ako sa ob ko. Tas bigla akong nakaramdam ng nasusuka. Nagsabe ako agad tas binigyan nila ako ng plastic tas sumuka ako sa harap ng ob ko. After ng suka ko, umokay nako. Inadmit ako sa hospital kase hindi daw pwede yun na bigla akong mahihilo tas mag co collapse. Paano daw pag ako lang mag isa, walang sasalo saken. Then nalaman na anemic nga ako. 4 days akong nasa ospital. After nun binigyan ako ng gamot sa dugo then nakalabas na din ng ospital. Ngayon 6 months nako but still nakakaramdam pa din ako ng pagkahilo. Nararamdaman ko yun tuwing umaga kase nagpapaaraw nako. Dati kase hindi ako nagpapaaraw. As in nasa kwarto lang talaga ako. Pag nakakaramdam ako ng hilo, hinihiga ko agad kase hindi ko kaya kahit nakaupo lang. Kanina nahihilo ako habang nagpapaaraw. Nagdala nako ng upuan para hindi ako ganun mahilo. Tas nung isang araw, nag sm kami ng bf ko tas saglit lang kami dun kase nahihilo nanaman ako ?. Uwing uwi ako nun kase gusto ko na humiga. Yun lang naman. Hindi ko na kase alam gagawin ko. Ayoko na magsabe sa ob ko kase di ko sya gusto. Yung mga gamot na hindi ako hiyang like yung folic acid + iron, ayaw nya palitan kase matatapang na daw yung ibang gamot. Pero nitong na admit ako sa ospital pinainom ako ng iberet na may ferrous kemerut, folic acid, iron tas may iba pa, umokay naman saken. Hindi ako nahihilo at nasusuka don kahit ang laki ng gamot. Naiinis din ako sa bf at mommy ko kase pinipilit nila ako uminom ng gamot na hindi naman ako hiyang ?. Matigas daw ulo ko ganyan ganyan. Nakakainis!!!! Yun lang naiinis din ako kase bat ganto ako magbuntis. Sobrang hirap ?. Nov due date ko kaya sabi ko sana nov na para matapos na at para makita na din namin si baby. Naranasan ko din ang hyperacidity. Alam ko normal lang sa buntis pero hindi naman lahat ng buntis nakakaranas nun kaya swerte pa din ng iba kase wala sila naging problema sa pagbubuntis. Kain lang ng kain ?. Mamsh ang swerte nyo po kaya be thankful po na ganun kayo magbuntis. And thank you din sa pagbabasa. Pag pray nyo po sana ako na maging okay na. Yun lang thankyouuuu!!!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

S umpisa plng ng msge mo tungkol s hilo factor mo naicp qn agad n kulang ka cguro s dugo kya lagi kang nahihilo.. Regardng s pgbubuntis, s 1st pregnancy q swerte q xe wla aqng pghhirap, sakto lng dn un hnahanp qng pgkaen n ntatakam aq.. But naun s 2nd pregnancy q raming symptoms tlga peo gnun tlga xe iba iba nman taio ngbubuntis.. Hope is well ang mga babies nten s tummy hanggang s lumabas.. And safe delivery sten lahat! πŸ’œπŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa

Dko na binasa lahat pero dhl prang ndi k ngpapacheck up regularly. Kasi madedetect nmn ng ob mo, sana kong ngpapacheck up k ung dugo mo through lab or kuhanan k blood pressure mkkta nila agad un na anemic ka, pg buntis kasi kailangan tlga ng mraming supply ng dugo at pinagtatake tau ng iron.

5y ago

Dugo*