9 Replies
Normal sa bata ang tantrums. Marami silang unreasonable demands and they will cry over petty things. 6 years bago nasundan yung eldest ko so somehow na spoiled namin sya in a way ng bahagya like toys ganyan. Hindi ko pa alam pero never ko nakita kasi mag tantrums un anak ko hindi dahil sa spoiled sya pero at early age, pinakita ko sakanya na pwede ko ibili ang gusto niya, pero she will never be the boss. Ako ang nanay at hindi sya ang masusunod. Ganyan din sa asawa ko, kapag pinagalitan sya ng Papa nya, I won't interfere or say anything or vice versa kasi need namin maging firm with our words and actions. Hindi ako yung tipong susuyo, the more na iiyak, that wont change my decision- tough love ika nga, kaya siguro nung nakita ng anak ko na hindi uubra yung mga ganong actions nya, hindi na nya inulit. Ang bata ay bata, marami silang bagay na hindi pa naiintindihan kya kapag nagagalit ako sa isang bagay na ginawa nya, I will explained it to her in the most simplest possible way. Hindi ako namamalo pero kapag pero tinuturing kong may pagka monster akong mommy lols. Tingin palang kasi matatakot na un anak ko. Pero never akong nagpagalit sa labas. Ayaw ko kasing ma feel nya na napapahiya sya kaya kapag uwi sa bahay, dun ko sya kinakausap. Ang hirap kasi eh, kelan ko pa icocorrect yung mga ganitong actions nya kapag malaki na sya? Communication is the key rin talaga.
Tantrums are big emotions po na hindi nachachannel ng maayos ng bata. Pag nag tatantrums po ang toddler ko, hinahayaan ko muna cya. Tapos we practice 3 deep inhales and exhales. After that kumakalma po siya and I help him process his emptions. Tinatanong ko po ano ang feeling niya, and bakit nya ito nafefeel. Na learn ko po as a parent na ang mga bata po ay ina.under.estimate natin minsan. Natutunan ko na ang mga bata pala ay nakakaintindi basta lang kausapin natin sila according sa pacing nila.. Never give in din po sa gusto ng bata judt because nag tatantrums. Pwede niyo po sya ilayo sa situation or idivert yung attention nya. Hug the kid po dahil kahit sila hindi nila nauunawaan ang nafefeel nila and they need you most to translate it to them and teach them how to cope with it. When my toddler does something intentional na hindi maganda, binibigyan namin sya ng time out . Awa po ng Diyos, mag fo-four na ang anak ko at masasabi kong Emotionally Intelligent talaga cya.. He expresss what he feels, he knows how to handle it, and he knows how to empathize. Pero hindi po kasi easy yun, kaya need mo ng patience. Kelangan mo rin ang inhale at exhale. Kung galit ka po, wag po muna dumiretso mag discipline, cgurohing you are always coming out of love and not anger.
Before sa panganay ko, halos araw-araw siyang umiiyak. Di namin alam ang reason. May days na naiiyak na lang din ako kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. May times na napapalo ko na siya. At may times din na hinahayaan ko lang din siya umiyak, yun kasi ang sabi ng bayaw ko na may background sa kids behavior. Pero neither of the two worked. Sa pangalawa ko ngayon, napansin ko na kapag nagtatantrums siya, ang gusto niya lang, buhatin siya or padedehin ko siya. And it actually works. Ngayon, naiisip ko na sana ganun din agad yung ginawa ko sa panganay ko. Pero sabi nga nila, if you never try you'll never know. And sa ngayon, yung mga hindi ko na-apply sa panganay ko, tina-try kong i-apply at baguhin ngayon sa bunso ko. Alam ko rin marami pa kong matutunan eventually as they both grow older.
Spank him or leave him won't help him. Mas lalala pa, kawawa naman si baby kahit alam kong naffrustrate ka Mi. Tayo lang dn talaga makakaintindi sa kanila. Ang hirap. Ako ang gnagawa ko, kakalma ako tas akapin ko lang sya hanggang sa tumigil siya. Tatahan na siya. Check nyo din baka nagugutom or may masakit sakanya. Ilang taon na Mi?
Ang pagpalo o pag-iwan ay hindi makakatulong. Probably consider the opposite which is just be there and wait for the kid to stay calm at malabas lahat. Oftentimes, they reflect your energy at mas lalong hindi kayo magkakaintindihan. Tiyaga lang at mas mahabang pasensya mommy!
That's normal, ang dapat mong gawin ay mas pahabain ang pasensya mo, these toddlers can't control their emotions pa kaya ganyan sila. I think mas better kausapin sila what's wrong or wait for them to calm down first.
Why would you spank a child? Mababa ang EQ mo kung yan ang turo mo, bata pa mag aadjust sa emosyon mo? Samahan mo sa tantrums kusa yan titigil. Kindly read about tantrums.
EQ, EMOTIONAL QUOTIENT, Emotional intellegence. read
Kausapin mo po ng Mahinahon. Tanungin nyo po if ano Need nya. Tanungin nyo po if Gusto nya na Kargahin nyo po sya. Yung mga ganun po
Spanking should never be an option.
Lucky Chan