Penge pong advice 😭
Normal po ba sa inyo na muramurahin kayo ng mga husband nyo .Ang sakit kasi ano bang pwedeng sabihin sa mga Asawa😭😭😭 #Husband problem
never! subukan niya lang ng makita niya hinahanap niya. don't give him any chance o wag mo siya bigyan ng dahilan para saktan ka, verbal man yan o kahit ano pa. kung wala ka naman ginagawa pero minumura ka pa rin ng walang dahilan, baka time na para lumayo ka. di mo deserve.
verbal abuse na yan masakit paden yan bilang mommy. ako di ko nagagawa sa misis ko yan kahit napipikon na ako inuunawa ko nalang kasi hindi rin naman biro ang pinag dadaanan nya sa pag aalaga ng baby namen. sweet lang dapat kahit tinotoyo paden c misis 🤪🤪🤪
ako never. kht mag bf-gf plang kme noon ng asawa ko never ako minura ng asawa ko. puro pagmmahal lang ang pinapakita nya sa akin. kausapin mo sis. sabihin mo na hndi maganda sa pakiramdam ung ganyan ang pakkitungo nya syo.
Hindi normal yan sis. May problema ba syang pinagdadaanan kaya ganyan sya? Communicate mo din sa kanya baka dala lang ng pinagdadaanan nya yan. Pero kahit na, hindi pa din rason yon para murahin ka. Ipakita mo worth mo bilang asawa at babae.
Ay ako hindi, puro babae sumunod sa kanya kaya patay sya pag inaway nya ko hahaha. Pero ever since naman hindi nya ko pinagsasalitaan or pinagbubuhatan ng kamay. Up to now na magkakababy na lalong humaba pasensya nya sakin. 🤗
Never din ako namura ng husband ko kahit sobrang toxic na ng ugali ko. TBH simula nung naging kami never ko sya narinig mag mura sa kahit anong sitwasyon. Siguro nakalakihan nya nalang din yun na di palamura, ganun din ako.
ako na Mula magbuntis hanggang sa nanganak lagi nalang akong nasisigawan at namumura ng Asawa ko 🙂👍Sobrang sakit na kahit umiyak kapa sa harap nya dahil sa pagtrato nya sayo eh wala naman PAKEELAM sa nararamdaman mo
ay nako masungitan lang ako ng asawa ko hindi nako nagluluto at naglilinis ng bahay 😂 baka pag minura nya ko paliparan ko sya ng kaldero sa muka 😂 pero seryoso hindi dapat ganon..hindi healthy sa pag sasama nyo...
Never po ako minura ng husband ko kahit nung mag bf gf palang kami. Lalo na ngayon na may mga kids na kami, hindi pwedeng kalakihan ng mga bata na ganun parents nila. It means di ka nya nirerespeto, wag mo po itolerate.
No. Especially if hindi mo sya minura ever. Yes may mga mura na accidentallg nababanggit but its not the case kapag directly or frequent nababanggit sayo. You deserve respect. Never once ako namura ng asawa ko.