86 Replies

11yrs na kami ng bf and now husband ko. Never kami nag murahan,nagkasakitan,nagsigawan. Kasi sinabi ko noon sknya na kung gawin nya un saken maghiwalay na kami. Pati yun ang turo ng Papa ko samin ng ate ko. Kapag ang lalaki minura,sinaktan ka iwan mo na kasi mga ganun lalaki wlang respeto. Growing up kasi nakita namin papa ko kung pano nya minahal at trinato ang mama ko kaya nung dalaga pa ako talagang nag oobserve ako sa ugali,kilos ng lalaki. Kapag may nakita akong hnd ko bet ekis saken yan. Hnd sa nagmaganda ako noon noh pero syempre bata pa lang ako noon alam ko na gusto ko sa lalaki. Now, Hindi ako nagkamali kasi nasa tamang tao ako. One time mejo nataasan ako ng boses ng asaw ako nilakihan ko sya ng mata ayun nagsorry nabigla lang sya 😅 Hindi ako papayag na disrespect nya ako. Syempre ako as a wife ganun din ako sknya. Kaya nga girls, sa pagpili ng lalaki dapat may standard ka. Hnd pwd ung "Baka magbago pa" kasi hnd yan applicable sa lahat ng tao. Hnd lahat nagbabago. Now, malaki po ang impact ng father sa anak kasi ang magulang ang magiging figure ng anak. If their parents respect and love each other for sure ganyan din ang gagawin ng anak nila sa future partner nila. Now, Ang sabi ng asawa ko hindi sya papayag na hnd mahalin at itrato ng tama ang daughter namin. Kung pano nya ako minahal dpat ganun din sa future husband ng anak namin. Same sa baby boy namin he must love and respect his wife. So, I hope this help. Dont settle for less.

Hindi na po yan dapat tinatanong kung normal ba o hindi At hindi mo na dapat sinasabi ANO PWEDI SABIHIN SA ASAWA tapos emoji paiyak iyak. Naku ate parang ikaw ata my problema .hindi ka ginaganyan nang asawa mo o kahit na sinong taong kung ikaw mismo hindi pumapayag na ganonin kasi namimihasa sila kung bawat ginagawan ka nang masama e tahimik ka momokmok ,puro sumbong ,tanong. Wag kang pumapayag at kung pumatol at iwan ka edi hiwalay dapat bago tayo pumasok sa pag aasawa at anak eh maronong na tayo tumayo sa sarili natin kahit mg isa lang tayo

mommy please magsalita ka na ayaw mo ng minumura ka.. kasi kung hahayaan mo.. magkakaroon pa ng pangalawa.. pangatlo o pang apat.. respeto ang pinaka importanteng aspeto sa pag sasama ng mag asawa bukod sa pagmamahalan.. mommy.. wag naman sana pero baka ang kasunod ng masasakit na salita ay pananakit na ng pisikal.. tumindig ka mommy kahit gaano kalaking pagkakamali mo pa eh wala syang karapatang saktan ang kalooban mo.. kapag minura ka ulit ay sabihin mong wag kang mumurahin dahil di mo naman sya minumura it can cause mental health problems.

Ito po ay sign na wala syang paggalang sa'yo. Wag mo s'ya gantihan ng pagmumura din, dahil magiging cycle lang ito at normal sa inyong pamilya. Sabihin mo sa kanya ang iyong saloobin, na pantay kayo bilang mag-asawa kaya hindi ka dapat n'ya minumura. Wag mo rin ibaba ang tingin mo sa iyong sarili. Sabihin mo sa kanya na kung nais n'yang magtagal ang inyong pagsasama, laging may respeto sa isa't isa kahit ano pang galit ang inyong nararamdaman. Tandaan nyo na ang galit at inis ay panandalian lamang.

kung nagmumurahan kayo seguro normal nayan sa inyo. lip ko pala mura din peru di niya ako minumura maliban nalang pag subrang galit siya sakin napapamura siya peru pabulong di niya as in sinisigaw kase alam niya na dun ako subrang masasaktan masakit sakin syempre peru ginagawa niya naman bests niya to control himself may pagkakataon lang talaga na di mapigilan kaya pabulong lang siya magmura peru di palagi. di din tulad ng iba na kada awaymumurahin di ganun pag subrang galit lang talaga

kahit galit pa yan, nung unang nagmura asawa ko, I pointed out na that's the first time niya magmura sa akin and markado na yung araw na yun at sinabihan ko na wag kong maririnig mumurahin niya anak namin. Maliit na bagay sa kanya magmura pero sinabi kong malaking bagay sa akin yun, na parang ang sama niyang asawa sa akin. Tingin ko nakonsensya naman kasi nagsorry at hindi na naulit, at siya na nag-ayos nung pinag-awayan namin. Pag maulit pa, baka di ko na kausapin.

Never pa akong minura ng husband ko pero napagtaasan na po ako ng boses which is panget din sa pakiramdam. Ang ginawa ko po ay di ko po nilabhan mga damit nya 😆 nagsasariling kain lng din po ako nun sa mesa. Hindi ko din po sya kinausap. Tsaka pag nagtatampo ako, maaga po akong natutulog wahaha kayo din ba? 😆. Pinaramdam ko talaga sa husband ko na sobra akong nasaktan sa ginawa nya. Isang beses lng nangyari yun at di na nya po inulit ❤️

I feel you. Ganyan din kasi hubby ko. Sabihin din ako na walang silbi na same naman kami may work kaya hindi ko siya maalaga ng 100% . Ako nga kahit bago akong panganak hindi nga ako tinutulungan dito kasi pagkatapos ng work busy na naman sa ML. Mas mataas naman sahod ko sa kanya. Nasa kanya nga lang iyong atm ko kasi hindi nga ako makaalis ng bahay dahil may baby. Pero masakit talaga pag minura ka ng taong mahal at pinagkakatiwalaan mo 😢

alam mo ang sagot dyan mhie kaya dimo na kailangan mgtanong para mbgyan ng dhilan ung gngwa syo ng asawa mo.. sa mag asawa, isa sa pnka importante is ung respeto sa isat isa na wala sa at di ginagwa sayo ng aswa mo.. if i were you, kausapin mo sya. na dimo gusto na minumura ka nya. ngayon kung gngwa nya pdin, aba ewan ko nlng sa mister mo..normal mag away, mgsagutan,mgtaas ng boses pero murahan? ibang usapan na yan mhie..

No. never in our relationship na minura ako ng bf ko na ngayon asawa ko na kahit pag may tampuhan o asaran. baka naman parehas kayong nagmumurahan? kahit pabiro na nakasanayan na lang? is not okay na mawala respeto sayo ng asawa mo. lalo na naririnig or nakikita pa ng mga anak nyo pag mumura nya sayo.. wag mo hayaan na ginaganyan ka nya.. wag mong itolerate ang ugaling kalye nya.

Exactly 👌

Trending na Tanong

Related Articles