11 weeks
Normal namn po yan diba? Nasa puson palang si baby kapag 11 weeks ka palang. Kinakabahan po kasi ako, dami nagsasabi bakit parang di parin ako mukhang buntis eh magtatatlong buwan na tiyan ko. Ps. Yung tahi ko po sa tyan, naoperahan po ako last year dahil sa ovarian cyst
Thank you po sa mga responses ninyo! Highly appreciated po. God bless you all po. Sobrang nakatulong po lahat, panatag na ko ngayon. Stay safe po 💕
Iba iba po ang pagbubuntis momsh. :) Wag po makinig sa iba ang importante po healthy kayo ni baby. Mas maniwala sa sabihin ng OB kesa po ng ibang tao.
6 months na akong preggy pero ang tummy ko parang dalawang buwan pa lang. Normal lang naman daw sya lalaki din daw yun pag patak ng 7 months
Meron Lang po tlg nagbubuntis na Hindi halata. Yun din po pinsan Ko malapit na mag3months ung sakaniya Pero Hindi pa po gano halata.
Ganyan din dati tyan ko sis, nagdududa nga ako kung buntis ako eh... Pero depende talaga sa babae ang laki ng tyan
Ganyan din pu ako nung 3-5 months diman po lumalake tas nung nag 6 na dun palang pu tlga sya lumake
bubukol na si baby mga 16 weeks pataas momsh.. pagka 6mos dun na talaga aya kitang kita 😊😊 stay healthy lang po
Thank you po. Napakaparanoid ko po kasi. Pati jowa ko nasstress na sakin haha
same lang din sakin mga 5 months na siya umusbong, wag mo lang gano palakihin tiyan mo kasi may opera ka kgaya sakin
mhaba din sakin dinaig pa cs e haha pero apendix sakin pumutok kse
pag payatin mamsh sadyang maliit lang din. sa 1st and 2nd baby ko 5months na tyan ko pero konti lang usbong.
Normal lang yan 😊 wag ka mag-alala. Kung nasstress ka, sa ika-20th week ka na magpakita sa kanila hahahaha
Hahaha, umiyak nga po ako kakaisip. Paranoid po kasi talaga ako. Mama ko po kasi noon nakunan kaya only child lang tuloy ako.
God is in control.