Palilihi ni Wifey

Is it normal na mainit ang ulo ni wifey sakin most of the time pero at the same time ayaw niya na wala ako sa tabi niya? She's 3 months pregnant tapos madalas nag iisip ng negative thoughts like magpaparefill lang ako ng tubig pero palabas palang ako ng bahay bigla nalang sisigaw ng "mambababae ka?!". ??‍♂️ Tapos may instance na magsasabi si wifey na naglilihi daw siya gusto niya ng bagong pusa kaya need ko bumili. ??‍♂️ Kasama po ba ang paghahanap ng bagong pet pag buntis as part ng paglilihi? Ginagawan ko naman po ng paraan lahat ng cravings niya sa abot ng makakaya lalo na't ECQ(malapit na po ata akong maging certified kusinero). ? #bulliedhusbandclub

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parang di ko po gets yung sa pusa hahaha kasi ang gusto karaniwan ng mga buntis ay foods po eh, pero if want po niya and kaya mo naman po ibigay, pwede naman. Yun lang po better be careful sa pag-aalaga ng pusa kasi di po pwede masyado maamoy naming mga preggy yung jebs and ihi nun as well as maglinis ng litter box sabi ni OB ko sa akin kaya yung mga pusa ko, si mama po muna nag-aalaga. Sa pag-init naman ng ulo and being emotional, normal lang naman po siguro yun sir kasi hormonal po talaga mga buntis hehehe and mukhang ikaw po pinaglilihian niya. 😂

Magbasa pa
5y ago

Yari kung ako napapalihian hahahaha 😂 ayun po ako naman nalinis parati ng liter box lagi ko pong pinapag bed rest si wifey nakunan na po kasi siya nung December kaya po medyo paranoid na ako 😅