Tulog sa umaga, Gising sa gabi

Normal lang po ba sa isang 1month and 5days na baby kada ilalapag ko sya sa higaan wala pang 5mins magigising sya agad, ang ending i hehele ko ulit or minsan pinapadede ko sabay makakatulog tapos pag ilalapag ko magigising naman sya. Ganun lagi baby ko hanggang sa abutin na kami ng umaga ang ending umaga na sya nakakatulog, pag sapit ng gabi at madaling araw ganun na naman 🀧 alam ko naman po na wala pang sleeping pattern ang 1month old na baby, ano po kaya pwede kong gawin para makatulog kame ng maayos mag ina? #pleasehelp #firstbaby #1stimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Nagdi-dim light ka sa gabi? Or baka hindi pa talaga sana siya ina-antok? Observe niyo po. Kasi sa baby ko ganyan din dati (brings back memories), narealize ko nun, nagbago na sleeping pattern niya at hindi pa kasi talaga siya inaantok. Kaya, karga ko siya for 2-3 hours from 8pm, hindi ko pinadede ng pinapadede kasi baka maoverfeed, tapos kinakantahan, inilalakad or kahit anong pang entertain ginagawa ko hanggang sa umabot yung time na tingin ko oras na ng tulog niya mga 10 or 11pm saka ko padedehin, kapag umiyak parin, ibig sabihin hindi pa antok πŸ˜…

Magbasa pa