Hi mamsh share ko lang ung story ko, 6wks and 2 days din ung sakin nung first visit ko sa OB. TransV din ginawa sakin pero wala din heartbeat. Wala syang sinabi na wala na si baby or what, binigyan nya pa ako vitamins non and gatas. Sabi nya balik ako after 2weeks. pagkagaling ko doon everytime magwiwi ako may konting blood na sumasama, hanggang napapansin ko na may buo buo na, maliliit lang naman. I thought it was normal. Spotting lang yan sabi ko sa sarili ko, until 2 days before ako bumalik sa OB may lumabas saakin na medyo malaking dugo, so we rushed sa OB, she performed IE, medyo open na daw ang cervix ko. But she still gave me hope, sabi nya uwi muna ako then observe ko lang daw kung magbleed pa ako ulit. 2 days passed walang bleeding, until dumating ung day for checkup ko na. TransV nya ako ulit, still no heartbeat, and ung AOG nya is the same 6wks 2 days which supposed to be 8weeks na sya. Ndi sya nadevelop, "nabugok" sabi nga nya. BLIGHTED OVUM ang diagnosis nya sakin, kinailangan ako raspahin.
I hope yours will be okay, but be prepared. Will pray for you and your little one sis. ❤️
Magbasa pa