pagbabalat ng labi

normal lang po ba pamamalat ng labi ni baby? simula ng pinanganak sya gang ngayun na 20 days sya lagi nagbabalat nguso nya, 3x na kami nakapuntang pedia pero di naman nila napapansin yan.. and yung white spot sa face nya ano kaya yun? mawawala pa kaya yun? salamat po.

pagbabalat ng labi
8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung sa labi, baka po natutuyuan ng gatas tapos di napupunasan? Habang basa ng gatas pa po, pwede niyo po dahan dahan punasan gamit lampin para po hindi na magbalat. Wag na wag niyo po babalatan ng tuyo kasi magdudugo yan. Sabi ng pedia sign yan na kulang pa yung pinapa-breastfeed ko kung nagddry yung lips.

Magbasa pa