ASK LANG PO!
Normal lang po ba na sac palang po ang nakita sa tvs? 5 weeks and 2days palang po ako and nagwoworry din po ako kasi may cyst po nakita sa left ovary ko

Too early pa mi.. balik ka after 2weeks para makita mo development ni baby... ganyan din sa akin nung almost 6weeks pregnant ako yolk sac palang nakita.. pag balik ko may heartbeat na baby ko.. eto na ngayon bibong 19mos old baby boy siya.. anyway yung sa cyst mo kasama yan sa monitoring ni OB ..
normal lng po Yun,too early pa kase recommend na tvs ulit after 2 weeks. same case Tau ng pa tvs ako last week 5weeks and 5 days plng
Yes po. 5 weeks 2 days din ako nun nung 1st ultrasound ko. After 3 weeks nagpa TVS ulit ako may HB at buo na si baby.
magpa tvs ka ulit after 2-3 weeks mamsh. ganyan din ako pinaulit lang ako ng ob ko after 2 weeks and nakita na si baby.
first time mom po hehehe kay nag worry lang po. Thank you po
ganyan sakin dati tas pinabalik ako pag ka 9weeks may sac at heartbeat na sya ☺️
Yes po balik kayo after 2 weeks my heartbeat naa 💕
Medyo early pa mi. Basta pray lang at ingat lagi.