NORMAL BA NA MAWALAN NG MALAY?
Normal lang po ba na mawalan ng malay at manghina 4months preggy na po ako🥺last check up ko po kase sobrang baba daw ng dugo ko.....#1stimemom
Not sure kung 4 months ako nun. Kahit sa 1st baby ko nangyari na yun. Parang mag ccollapse. Habang naglalaba ako. Bigla nalang dumilim paningin ko parang nahihirapan huminga. Ang ginawa ko pumunta ako sa may ref inopen ko freezer chaka ko nilagay sa mukha ko yung yelo. Nawala kaagad. Kung hindi naman kaya ng katawan mo mag lakad umupo o humiga kung malapit ka lang sa sofa baka kase bigla kang matumba. Mawawala din bigla. Mas ok kung sabihin mo sa ob mo nangyari sayo. Para mabigyan ka ng vitamins. Delikado ang mababang dugo sa buntis.
Magbasa panaalala ko nun ung tita ko buntis sya nung kinasal dun sa church habang kinakasal sila hinimatay baka may instances talaga na ganun. depende talaga sa pagbubuntis
ako din po bumababa yung dugo but hindi nmn po ako hinimatay binigyan po ako ng OB ng ferrous then bedrest ingat po kayo mommy god bless 😊
Me sis. during 6 weeks. Kaso sakin nagkaallergic reaction sa chicken. Nahimatay ako sinugod sa ospital. 70/60 lng dugo ko pagkagising 😂
not normal po..try to eat green leafy veggies and take ferrous para tumaas po ulit hemoglobin mo.
Meron bang normal na nawawalan ng malay at sobrang baba ng dugo???