Baby movement
Normal lang po ba na humina ang movement ni baby at 8th month? Dati kasi ramdam na ramdam ko siya. Ngayon humina na mga kicks niya. Pero alam ko na gumagalaw p din siya. Humina lang talaga. #8thmonthpregnancy #Babykicks #teamseptember
same ng na experience ko po mi. mga ganyang month din ata yon pa kabuwanan po bihira ng gumalaw or my minsan pa nga parang sa maghapon di ko nararamdamang gumalaw. sa isip ko baka dahil naka coil cord kasi kaya hindi sya gaano makagalaw. then nong kabuwanan na po mga 38 weeks ako non pag check sa akin close cervix pa naman but I was advice to return ng december 23. kaso alanganin mag papasko. kaya bumalik kami ni hubby ng 26. and right after I was advice to go to the hospital na pag labas namin kasi bimababa na daw ang fluid ko. kasi napapansin talaga dati pa lagi ng basa ang panty ko. ang sa kada check up naman non sabi naman ng ob ko enough pa naman ang fuid ko and ok naman ang baby sa loob kaya kampante pa naman ako. pag dating naming ospital non kinabitan na akong oxygen kasi bumababa na daw ang oxygen ni baby. cs nga din po pala ako mi. kasi ma distress na daw ang bata kung hintayin pang mag labor dahil leakinh na ang fluid ko. pero very thankful ako kasi yong baby kong hindi pala galaw sa tyan ko subrang likot po pag labas❤
Magbasa pabased sa exp ko. di humina ang galaw ng 2nd baby hanggang naglilabor ako nun ramdam ko. masakit pa nga sya sumipa kahit 9months na sa tyan ko. kabaligtaran ng 1st baby ko, humina then eventually nawala (8months nun) di ko na aagapan kaya tuluyan syang nawala na. better check ang kicks if less than 10 in 2hrs, consult na agad sa OB.
Magbasa papag may nararamdaman kakaiba kay baby lagi po kayo mag iinform kay OB para mamonitor ang status sa loob ng sinapupunan.. kaya nga po pinapamonitor ang kicks para kung sakali humina or di maramdaman masasabi po agad sa OB.. mi wag niyo po baliwalain para yan sa ikabubuti ni baby mo... Godbless
Pwede ka po mag install ng mga apps like kick counter to monitor po yung normal na dapat kicks ni baby. Also sabi ng OB ko dapat mas active and mas malikot sila during night time or yung mga madaling araw. Best to consult with your OB din para mamonitor ng maigi 🙂
same tayo mii. today dko nramdaman kick no baby kht kmain nq ng rice at chocolate. khpon less lng kht snbi skin sa hospital okay nmn heartbeat ni baby. now ngpapaultrasound ako .hoping ok si baby. 33weeks here.
diba po may sinasabi ang OB para mamonitor ang galaw ni baby. dpt po imonitor niyo and kapag may nagbago sabihin niyo agad sa OB niyo. para macheck up kayo mabuti.
ang normal po pala daw na galaw ng baby is 10 kicks sa loob ng 2 hrs. pero sa case ko noon swerte na kung maka isa nga sa 2 hrs ba yan.
28 weeks po ako . nararamdaman ko galaw nya pero ndi super katulad last week . pero mayat maya nagalaw naman po or ung parang hiccups
depende mi sa sitwasyon pa check nyo po heart beat nya o di kaya pa request po kayo ultrasound para hindi ka ma stress
consult your ob na po..yung sakin kase mag 9 months na pero napaka active parin ng kicks nya night and day..