12 Replies
yung workmate ko ganyan din sya mga 24 weeks palang manas na ang hands at feet tsaka ang face..super hilig nya sa maalat..parang gnawa nyang vutamins ang chichiria after eating hayun napre-eclamsia @34 weeks nanganak via cs kasi nawalan ng malay isinugod sa hospital nagising sya nanganak na sya..iwas po sa maaalat..aq nanganak at nanganak aq hindi aq namanas mga kamay at paa..everyday buko juice ako water and fruits tas lakad2
mas nakakatulong ang paginom ng tubig sa manas kung wala kang kidney problem. (kung may kidney problem kasi ang tubig ay no no dahil nakakamanas) iwasan po ang maaalat o matatamis, laging icheck ang bp. kung di naman po maselan, pwedeng maglakad lakad, wag laging nakaupo, nakahiga o nakatayo. i-elevate ang paa/binti, gumamit ng compression stocking kung may budget po at kung laging nakatayo/upo kung working mom ka.
nagkamanas ako ng slight sa paa pero hindi sa kamay. ang manas ay mawawala after manganak. laging itaas ang paa kapag nakaupo/nakahiga. iwasang tumayo ng matagal. magstay sa malamig na lugar. kumain ng potassium-rich food. less salty food. ang salt ay nagccause ng water retention sa katawan.
taas ang paa mommie pag matutulog o nagpapahinga at nakaupo, kain ka din po munggo kahit twice a week lang po at iwasan ang mga oily at salty foods po. water retention po kasi yan, yung madami ka iniinom na tubig pero hindi naman ganun kadami ang nilalabas ng katawan mo tru ihi or pawis. ingats mommie.
Try nyo din po kumaen ng kumaen ng monggo, effective po yun para di po mag manas. 😊 mas okay po yang madami kayo uminom ng tubig di po kayo mahirapan manganak, iwas po sa maaalat na pagkaen para di po manasin.
Ang aga mo mag-manas sis,normal ba lahat ng test mo? lagi mo i-stretch paa mo,kung di ka nman maselan maglakad lakad ka kahit 2-3mins lang.
kung pala inom ka po ng tubig di po dahilan ng pag mamanas yun mommy baka po mahilig po kayo sa matamis or salty na foods
Parang ang aga pa po magmanas. Better to consult your OB, baka po kasi dahil din sa BP yan. Delikado ang pre-eclampsia
ako 34 weeks na po ako pero hnd po ako manas kahit mahilig ako sa tubig 3-4 liters lage nauubos ko sa isang araw.
30 weeks here pero di pa nagkamanas mii. mahilig din ako sa water. maglakad² ka every morning mii para mawala