5 days old na si baby, normal lang ba na parang hindi madami ang poop or ihi nya?

Normal lang ba ang unting pag poop at ihi ng isang newborn baby? 5 days old palang si baby (girl), 4 years ang agwat nila ng 1st born ko. Purely breastfeed kami at upon checking and continuous monitoring parang ang unti lang ng poop at ihi nya unlike noong time ng kuya nya (ebf). O baka naninibago lang ako sa tagal ng agwat. Please respect my post. # # #

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung mainit po ang panahon diyan sa inyo at malakas naman magpawis si baby, then pwede naman po kasi along with pupu and wiwi, considered din po ito as output ni baby na batayan ng kung gaano ang nako-consume nyang milk. Baka po mas malamig ang panahon nung time ng 1st born nyo compared now kaya mas less wiwi. Pero if not, consider po natin na for whatever reason, not enough ang nadedede ni baby, possibly to poor latch or something else.

Magbasa pa