Sakit sa bandang tiyan

Noong first check up ko niresetahan ako ng doktor ng gamot PROTON PUMP INHIBITOR tawag dun para sa sakit ng rusok (sa bandang itaas ng tiyan). Namimilipit kasi ako sa sobrang sakit na halos di na makahinga. Di ko alam kung ano ba nangyayari. Nasosobrahan ko ba kumain? Sabi ng iba may gusto daw ako kainin na diko nakain kaya sumasakit. May nagsasabi din na dahil sa lamig. May nagsasabi din na dahil sa paginom ko ng malalamig na inumin. May nagsasabi na baka heartburn na to. Hayst! Ano po ba talaga? Nung nagtake ako ng gamot na yun na good for 2weeks sguro yun eh nawala naman pananakit neto. Pero nung naubos ko na to bumalik ulit. Nung nakaraang araw sumakit na naman ito halos dina ako makahinga. Gabi yun! Basta ang alam ko sumasakit ito sa tuwing pagkatapos ko kumain. Naghohit compress ako. At umiinom ng dalawang basong maligamgam na tubig. Naisusuka ko din lang yung kinain ko. At after ko magsuka nawawala na yung sakit nito.Kaya everytime na kakain ako konte nlang. Sobrang konte ng kinakain ko kasi natatakot na akong sumakit ulit. Hindi kaya ito makakaapekto sa baby ko? 😭 Sa follow up check up ko yan siguro ang ipapaconsult ko sa oby ko. Ano po kaya sa tingin niyo dahilan nito bat sumasakit? Okay lang kaya kalagayan ng baby ko ? 😭

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka po heart burn or hyperacidity ? Try mo po pagkakain mo wag ka muna uminom ng tubig 5 mins. Tapos wag ka agad hihiga after mo kumain.. ask mo dn yan kay ob mo pra mas safe ung iinumin mong gamot. 🤗