Sabon Panlaba/FabCon for Baby Clothes

Nilabhan namin gamit ni baby kanina lang po gamit namin Breeze na liquid detergent for baby clothes, yon lang kase available sa grocery store na pinuntahan ko. Kaso parang hindi natanggal yong amoy nong mga bagong bili, amoy bagong bili pa rin. May Downy na Fabcon for baby clothes sa grocery store, kukuha sana ako kaso sabi ng hipag ko baka masyadong mabango at baka masyado matapang para sa pang-amoy ng baby ko pagkapanganak or baka magkarashes. Sino po rito gumamit ng fabcon para sa newborn clothes? Safe po ba sa baby?#1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Gumamit ako ng Downy Fabcon for babies. May mild scent siya na medyo nawawala kapag ginamitan ng dryer ang clothes. Try mo po Tiny Buds na detergent at fabcon. Mild ang scents nila.

No need ifabcon ang damit ng baby. Perla white lang pwede na para mild lang ang amoy.