54 Replies

Dapat labhan yun sis bago mo ipasoot ky baby. Saka pag mag laba ka dapat Walang Ibang damit na nakahalo. Saka wag ka mag lagay ng mga fabric conditioner. Yung iba kasi lalo na pag marami ang mailagay mo kasi gusto mo ma bango damit ni baby. Yung ibang baby kasi sensitive skin nagka rashes or mangangati po.

yes dapat talaga sya labhan before ipasuot kay baby at yung detergent kung maari mild lang, hindi rin ako nag dodowny sa mga clothes ng baby iwas hika nalang din.. pinaplantsa ko before ipasuot para sure talaga hehe sensitive pa kasi masyado balat nila

Labahan nyo po mommy para malinis kapag ipapasuot kay baby kasi sensitive po masyado ang skin nila saka di po natin alam kung ano ang pinagdaanan ng mga damit kahit bago pa. Hehehe...

Syempre kailangang laban. Tayo ngang mga adults pag bumili ng bagong damit e nilalaban at plantsa muna bago isuot. What more pa sa baby na sobrang sensitive ng skin.

Nilalabanan at plantsa po. Hindi natin Alam Kung Sino Sino naghawak nya from the factory hanggang sa mabilis natin. So for security po mas okay labhan.

Oo nman mamsh!! Baby magsusuot nyan ee. Di natin alam anong mga mikrobyong andun s bagong damit n baby.. Perla white lang ginamit nmin (mild soap)

labahan muna momsh😊 akin twice ko nilabahan tapos plantsa😁 para daw po ung tela mag soft and of course malinis ung suot ni baby😊

Yes po need labhan and plantsahin pa para sa safety ni baby super sensitive pa po skin nila unlike nating mga matatanda na..

Yes po. Plinantsa ko na din with alcohol since pinaglumaan ng anak ng ate ko yung ibang baby dress ni LO at nakatago lang.

Labhan mo momshie.. kasi galing yan sa factory.. marami rin chemicals... sensitive pa nman skin ni baby

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles