How to increase milk supply pag 3 days lang nakakasama si baby?

Night shift at work from home po kami ng asawa ko. Akala namin kaya namin mag-asawa na kaming dalawa lang ang mag alaga kay baby pero nung mas gising na si baby sa maghapon, wala na po kami tulog mag-asawa bukod pa dun nagigising si baby minsan ng madaling araw. Nagsuggest po mom ko na sa kanila na lang muna si baby pag weekdays para maalagaan ng ayos saka makapahinga kami mag asawa at makapagtrabaho ng ayos. Breastfeeding po ako at every morning pumupunta kami sa parents' house ko para magdala ng milk na napump ko tapos saka ko lang napapadede si baby mismo saken. Bale parang 4 hours ko lang po nakakasama si baby sa isang araw. Natatakot po ako na baka humina yung gatas ko kase hindi mismo si baby ang nadede saken at mas madalas na nagpapump lang ako.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

momsh power pumping isang way para magincrease ang milk supply, tyaga lang talaga, yung tipong magaalarm/sked ka para dun, para makaipon ka din ng super dami na milk for your baby at baka makapagdonate ka pa 😊 + kung nangangamba ka na baka matuyuan ka, try mo po maglactation drinks at cookies.