Mga mami payakap naman po kahit hindi tayo magkakakilala 😭😭

Ngayon nalang po super umiyak sobrang nag aalala, mga mi pwede bang isama nyo po ako sa prayer nyo kasi po nagkabrown discharge po ako. Kaninang umaga spotting lang po. Ngaun po medyo lumakas. Pumunta na po ako sa ob ko kanina and binigyan ako gamot. Bukas ultrasound naman. Nung hineartbeat si baby pumipintig naman. Bukas ko pa malalaman if anong rate kapag tvs ako. Sana mga mi maging ok kami ni baby sobrang nanginginig po talaga ako ngaun sa pag aaalala na umiiyak hndi ko lang mahugulgul kc baka madami lumabas sakin na brown discharge nakapagtake nadin po ako meds ko po and nakakain na po. Mayat maya po ako nagdadasal ang hirap po pala. 😭 Sobrang panick po ako. 2nd baby ko po ito 6yrsold po ang sinundan kaya parang namamahay po. 3months na po ung tyan ko. Nagdasal na kami ng hubby ko and pinapakalma naman po nya ko. Sana po mi masama nyo po ako at kami sa prayers nyo mga dumadaan din po sa ganito. Ang hirap hirap po pero tibayan lang po natin loob natin. Pagdadasal ko din po kayo. Maraming salamat po. Sana bukas ok si baby safe sya at healthy at malakas ang HB.. un lang po mga mi.. pasensya na sa abala. Salamat sa pagbabasa. Thankyou po uli.

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

praying for you miii at sa baby mu❀ sinapit ko din po ung gnyang stage miii last may 21 nakunan po ako sana po wag mangyari sa inyo. ung saakin nman mii mas masakit hnd ko tlga alam na mwawala sya saamin no signs bumalik lng ako sa ob ko ngpatransv wala na sya heart rate😭😭😭 meron kc ako subchorionic hemorrhages that time. lakasan mu lang loob mu po sabi nga nila pag sau tlga ung baby para sau tlga kht ano mangyari miii. at bumalik sya saamin after 3months nong aug. ngaun 13weeks preggy na ako ulit binalik sya saamin ng dios. araw araw rin ako nangamngamba bka mawala sya mga gnyan ung OB ko ngsabi saakin pag sayo yan sayo tlga yan! hnggng sa ngka anxiety na ako at depression im seeing Psychiatrist ngaun dhil inaataki tlga ako lagi ako nininerbyos kaya miii kalma lang ikaw! lakasan mu lang loob mu trust in himπŸ™πŸ™πŸ™ me plans sya☝️

Magbasa pa