About Pregnancy

Nga momshie ittanong ko lang Po kung saan Po mas Advisable mag pa Check sa Barangay Health Center or Sa Obgyne .. I'm turning 3 months Pregnant na Po. thanks Po sa sasagot

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi for my experience mas better yung may ob ka po talaga like nasa private ob ka po kung kaya naman po ng budget. Kasi na experience ko po sa 1st born ko nag baranggay health center po ako from 2nd trimester until 8months kulang po ang mga labtest di po na check ung sugar ko then halos urine at cbc lang po ung labtest ko may uti daw po ako tapos po natapos ko na po ung 1 week na antibiotic pinag urine test po ulit ako meron pa din daw po ako pero mas mataas na daw po yung infection ko. Nag decide na po kami ng mama ko na lumipat ng ob nag private ob na po and sinabi ko po ung concern ko. Pina urine culture po ako ng private ob after a week wala naman po ako uti or any bacteria or impeksyon sa ihi ko. At don din po nalaman na mataas ung sugar ko kasi pinacheck po lahat ng private ob ung dapat ipacheck at may hypothyroidism din po ako. Di po na check sa baranggay health center. Yung kakatipid ko po mapapahamak pa kami ng baby ko. Thank God naagapan po lahat. 37weeks and 3days ko po naipanganak si baby via ecs. Due to double nuchal cord , gdm and fetal distress.

Magbasa pa

if you have the budget, better na sa obgyn private clinic po para iwas na sa mahabang pila at mamemessage/call mo privately in case of any concerns (based on my exp) at isa lang ang hahawak ng case mo kasi sya lang ang Dr mo. if gipit naman, health center is okay, maraming freebies din like vitamins, vaccines unlike sa private OB. bottomline: basta may regular check up, doesnt matter kung san magpapacheck up. Godbless on your journey.

Magbasa pa

Pwede ka nmn mgpacheck up both. Ako kasi nung first check up ob talaga nagpaultrasound kasi ako to confirm if preggy talaga ko. Sa center nmn wala sila ultrasound dun pero nagbibigay sila ng libreng prenatal vitamins. Makakatipid ka din kasi libre din ang tetanus toxoid. Pero kung may budget ka nmn pwede ka nmn sa ob nlng mgpacheck up mi.

Magbasa pa

Hello po, kapag sa barangay ka mag pa check up, may ma aavail ka po na libre, like prenatal vitamins at tetanus toxoid, kapag my private OB ka po babayad ka talaga, kapag gusto mong manganak sa lying in clinic dun karin mismo mg pa check up sa lying in. pero mas maganda pag my OB ka po..

Dependi na sayo yan mi. Dito sa amin kasi, sa center nmin wlang OB, midwife lang. May mga doctor but not OB Gyne. Also, kung di naman maselan ang pgbubuntis mo pwede naman sa center na lang. Libre pa. Pero tulad ko na high risk, nagpa alaga talaga ako sa OB ko. Magastos pero kelangan.

Ako po noon lhat pinagpacheck upan ko sa brgy, sa lying in and sa hospital. Libre kasi yung prenatal vitamins and anti tetanus shot sa brgy, lying in naman kasi dun sana ako manganganak kaya lang sabi ng byenan ko first baby dapat daw sa hospital kaya ayun lahat dun may check up ako hehe

Kung first time mom need mo ng Record sa Clinic,Center or Hospital diretso,why?Kasi para incase of emergency may record ka dun and kung first time mom ka bawal kapa sa mga Clinic or Lying In sa Hospital ka mag aanak maliban nalang kung naka Private ka.

2y ago

Pwede po sya sa clinic as long as kaya ng katawan po niya First time mom at sa lying in ako nanganak

Okay naman po sa center at marami din pong libre kayo makukuha like vitamins, labs and tt shots. Pero kung may extra budget po at gusto niyo po magpaalaga talaga since ftm kayo, sa OB po mas okay hehe :)

mas mganda sa ob kung nkaka luwag luwag ka nman, pero kung low budget oky din sa center dhil my libre silang laboratory, tetanus toxoid, vitamins..

Pwede po magpacheck up ka sa center at ob. para may record ka. Kagandahan din a center maka avail ka ng libre, especially kapag magpapa immunize kana kay baby