1 Replies
manghihingi lang po ako ng advice kung ano po makakabuti kong gawin.. may lip po ako almost 9 years na kami nagsasama.. marami problema pinagdaanan marami ugali nya na tinanggap ko.. dito kami nakatira sa lugar ng pamilya nya.. hindi kami nakapisan pero dikit na bahay lang mula sa nanay at kapatid nya... ipinakilala lang sya sa akin ng minsan umatend ako ng bday ng pamangkin ko.. nag'aya magkita at isinama na nya ako at iniuwi dito.. at dito ko nalang din nalaman na hiwalay sa asawa kasal at may isang lalaki anak na ngaun ay 16 y/o na.. maayos akong nakisama ngunit dumarating sa punto na umaalis ako nilalayasan ko sya dahil may mga bagay na hindi nmin napagkakaasunduan sa huli na'aamo nya ko at sinunsundo pabalik dto.. umabot ng 3 taon ang aming pagsasama madalas ang maliit na pagtatalo namin ay nauuwi sa pag alis nya at uuwi ng madaling araw lasing at ubos ang pera sa beerhouse... isang beses na nakaaway nya ang kuya nya ay hindi ncxa pumasok sa trabaho.. kaya inaya ko siya na umuwi nalang kami sa magulang ko..pero hindi rin kami nagtagal sa magulang ko at pinili ko ang bumukod kahit walang kuryente kandila lang at nakiki igib lang kami.. subalit sugal at pag iinom ang inatupag nya nagtayo ako ng maliit na tindhan para kahit papano ay may pang gastos kami pero sigarilyo at puhunan ay dun nya kinukuha hanggang sa malugi.. isang beses nagising nalang ako wala siya sa tabi ko naisip kong nakipag inuman nanaman dahil wala pati motor nya.. may tumulak ng pinto namin ngunit walang tunog ng motor.. at nang makita ko sya ay puno ng putik at gasgas ang katawan lasing na lasing at nahulog daw siya sa palayan kasama ang motor... halos tumulo ang luha ko hindi dahil sa awa ko sa sarili ko habang nililinis sya upang maalis ang putik sa katawan nya.. at nanggising ako ng mga pininsan ko para hanapin nahulog ang motor.. dumaan ang mga araw ako ang gumagwa ng paraan para kami ay makaraos sa pang araw araw andun maglaba at kung ano pa..nung ok na sya nakaupo nnaman sa sugalan sa sobrang inis ko umalis ako (11am)gamit ang motor nya basag ang headlight .. pumunta ko sa tyahin ko para magpalipas ng oras at uminom ako dahil sa sama ng loob.. hating gabi na nagpumilit akong umuwi gamit ang flashlight para makita ko ang daan..dahil sira nga ang headlight.. maayos nman akong nakauwi be pero tulog na siya.. ngunit naka'impake na mga damit nya... naisip ko sa daming beses syang umalis na walang paalam hindi ko naisip na iwan siya kahit ang dami nya mali at pagkukulang.. nalaman ko din na umutang ng alak at naglasing kung saan saan daw nagpunta para mahanap ako.. kinaumagahan dumating nanay nya at nagpasundo pala siya... iyak ako ng iyak habang inaalo ako ng mga tyahin at pinsan ko.. nasasaktan ako oo dahil natututo ko na din syang mahalin.. napagdisisyonan ko na umuwi na sa magulang ko.. mag isa kong hinakot ang mga gamit ko .. dumaan ang mga araw linggo at buwan nkkamove forward na ako ..ngunit isang gabi sabi ng tita ko sa tawag nya andun daw sa kanila at gusto daw ako makausap tiniis ko na hindi puntahan.. halos gabi gabi na pumupunta doon maski sa mismo bahay ng magulang ko kung nasaan ako pupunt ng lasing at nakahiga sa damuhan sa paghihintay sakin.. at isang araw dahil sa awa ko kinausap ko at nagmamaka'awa na umuwi na daw kami sa bahay nya..... sumama ko till now almost 9 years na.. marami pa syang beses ulit nambabae nasaktan din ako sa kabila ng dobleng pakikisama ko sa pamilya niya na halos magpa'alipin ako sa pakikisama... hindi pala kami nagka'anak year 2018 natanggalan ako ng right ovary... nagkataon naman na may mga pamangkin ako isa dun ay namalagi sa akin sobrang napamahal sa akin ung pamangkin ko sa tuwing malungkot ako siya yung nagpapangiti sa akin kahit madalas ay makulit .. 🥰 pero ramdam ko na ayaw sa kanya ng lip ko madalas kasi maliit na bagay lang e namumura nya at binabatukan.. sobra kong nasasaktan kaya kong tiisin kung ako nalang sana... pakiramdam ko tuloy ang liit ng tingin nya sa amin.. kaya sobra kong nahihirapan ang gusto ko lang naman ay makasama ko ung pamangkin ko na tinuring ko ng anak.. pero ang hirap kaya naisip ko na ibalik nalang muna siya sa kapatid ko pero iyak ng iyak ung bata sobrang sakit kasi nasanay na kami magkasama 😭 last august may gathering sa pamilya ng lip ko since then na dumating ako dito ako na incharge sa lahat taga pamalengke/tagaluto pag may okasyon mapabday/fiesta o kahit ano pa.. nasanay sila na ganon ang role ko sa pamilya during that occasion nagkasakit ako nilalagnat na ako at nilalamig akala ko nga may covid na ako.. pero inom lang ng gamot kinabukasan konti pahinga lang nag asikaso pa din.. at ng mga panahon na yun buong compound nagkatrangkaso na lahat nawalan ng pang amoy at panglasa pati ung pamangkin ko 10 y/o.. at ung lip ko masama din pakiramdam kaya hindi nadin pumasok.. nagdaan ang mga araw.pakiramdam ko ay nanghihina ako dahil ako nga at taga pagluto sa kabilang bahay kahit pagod derexho padin mamalengke at magluto tas asikaso pa dto sa bahay.. naisip ko magpaalam.sa lip ko na umuwi muna kami sa magulang ko para makalanghap ng sariwang hangin dahil bukid yun.. dahil iba talaga ung hangin dito kakaiba nung mga panahon na yun.. ang sabi sige kayo nalang okey lang daw sya.. umuwi kami pag talikod ko pala kung ano ano na sinabi ng mga inlaws ko.. na kesyo daw hinang hina na lip ko e nakuha ko pang iwanan.. at nung hapon nalaman ko nga na 2 sa relatives nya nagkacovid.. nasasaktan ako sa paratang nila.. 2nights kami natulog doon at bumalik nadin kami.. pina dr. ko ang lip ko at nalaman sa findings na may uti siya pero nawalan na ako ng ganang kibuin ang mga inlaws ko pakiramdam ko hindi pamilya ang tingin nila sa akin.. nasasaktan ako kahit pala ibuhos ko ang oras ko sa pagmamalasakit ko sa kanila.. lahat ng galaw ko nakikita nila.. almost 2months na akong hindi nakikipag usap sa kanila na marami nagsasabi sa akin na ako lagi pinag uusapan nila.. sa ngayon gusto ko na umalis sa lugar na to.. napaka toxic na para sakin... ung pakiramdam na umiiyak na ako mag isa parang walang nakikita ung lip ko.. 4days ako kinausap ko tru text na uuwi na ako sa magulang ko.. sagot nya ako daw ang bahala kung yun daw disisyon ko sinubukan ko pa na sabihin hindi kba sasama sagot niya kung uuwi ka eka ikaw nalang... mahirap ang buhay dun 😭 marami akong napagtanto na hindi enough ung sinasabi niyang pagmamahal.. umiyak siya at sabi niya iiwan mo nba talaga ko.. wag muna intindihin ung ibang tao basta tayo lang yan ang sabi nya.. till now nag iipon padin ako ng lakas ng loob para umalis dito.. 1month din akong delay iba rin nararamdaman ko hindi ko alam baka stress lang din ako.. at sa 9years na pagsasa namin alam ko sa mga napundar nmin e wala syang balak na bigyan ako.. ayoko nman maging pabigat sa magulang ko ako lang din ang nag'aabot sa kanila may mga edad nadin sila.. gusto ko ng kalayaan😭