clingy at ayaw dumede sa bote
Need help po, yung 1 year and 7 months ko po na baby sobrang clingy sakin tatayo lang ako iiyak na sya, lagi kaming nag aaway ng asawa ko bakit daw ng ganito yung anak namin. Wala po akong katulong sa pag alaga. Minsan tinutulungan nya ko. Problema ko rin po yung pagdede nya, Bf parin po sya until now any tips po kung pano ko sya mapapadede sa bote. Sobrang nasstress na po ako, pero lahat kkayanin kahit nakakapagod para sa anak.

Ganyan din ang anak before.. 1yr sya hinde sya marunong mag bottle feeding kaya ang advice sakin ng pedia nya mag pump ako then gumamit ako ng syringe tapos yun yung ipapa latch ko sa kanya.. natuto sya mag latch sa bottle 2yrs old.. exclusive brestfed sya for 3yrs. Tyagain mo lang sis hanggang sa matuto si baby mag latch sa bottle
Magbasa pa
