ADVICE

Nawala ko po kasi yung wedding ring namin ng asawa ko, i mean sakin lang na ring, pero gawain ko na yung pagkagaling namin sa galaan nilalagay ko kaagad yung singsing sa ringbox since di ako sanay magsingsing sa bahay. Tandang tanda ko na nailagay ko sya sa ringbox nung isang araw tas nung kahapon na paalis kami pinaalala nya saken na isuot ko yung singsing tas wala dun sa ringbox, hinanap na namin sa buong kwarto still wala pa din, di ako nakatulog kagabi kasi nagtatampo sya di daw dahil sa gold yun, kundi dahil wedding ring daw namin yon. Naiyak nalang ako kagabi sorry ng sorry na bakit napaka careless ko, and balak ko sana paltan nalang yung ring. Bbili nalang ako ng couple ring namin then itago nalang nya yung wedding ring nya. Tingin nyo po ba tama yung ggawin ko? Wala na ko mahanapan kung nasan yung singsing ko. 😥Di ko naman sinasadya mawala. Basta pagkakaalam ko nilagay ko sya sa ringbox nung nakaraan dunno bakit nawala.😭
1 Reply
VIP Member
Masakit nga yun kay hubby mo sis. Wala ba kayong ibang kasama sa bahay?