tanong lang po.
Natural lang po ba na nilalagnat yung baby pag nagngingipin and pabalik balik po yung lagnay nya tapos ang tagal po lumabas nung ngipin nya? Natural po ba yun ano po ba pwede gawin para mapalabas agad?
HUGOT NI DOC: Bakit kaya kapag may sakit ang bata, madalas na sinisisi ang ngipin? Kapag may mataas na lagnat - ngipin ang sinisisi. Kapag may ubo - ngipin pa rin. Kapag may sipon - ngipin ulit! Bakit? Sa ilong at baga ba tumutubo ang ngipin? Kung makakapagsalita lang ang mga ngipin, malamang nabulyawan na nila ang mga sumisisi sa kanila. Para po malinawan ang lahat: Ang pagngingipin ay natural na bahagi ng paglaki ng mga bata at dapat na dumaan na walang kasamang problema. Ang lagnat, pagtatae, o pagkakaroon ng mga pantal ay HINDI NORMAL kapag nagngingipin. Ang maaari nilang maranasan ay paglalaway, pagiging iritable, pagkagat ng kung anu-anong mahawakan, at hirap sa pagtulog. Ang iba naman ay pansamantalang nababawasan ang gana kumain o dumede at posibleng ma-dehydrate. Ang mga sintomas na ito ay nawawala sa loob ng 24 oras matapos na lumabas ang ngipin. Source: Navarro, et al. Fundamentals of Pediatrics (2014) #TeethingAlert #DocHugotCares
Magbasa pa
?