MONTHLY CHECK UP

Hi, natural lang ba na sa bawat check up monthly kapa kapa lang ginagawa ng OB? pero hindi nachecheck up heartbeat o galaw nya ganon. Twice palang naman ako nagpacheck up, first yung transv na na nalaman kong preggy ako pinakita ko transv result and laboratory, tapos niresetahan na ko ng vitamins pati sa uti. After a month na balik ko on my 12weeks kinapa nya nalang, tapos sabi lang continue lang yung vitamins yung uti ko wala na sya sinabi or di na chineck kung nawala o bumaba na ba. 500 din kada check up diba sayang yon? halos 2mins ka lang ata checheck ng OB

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po kapa-kapa lang din, tapos paminsan minsan pinapacheck nya ang urine at blood test ko. Sa 3rd trimester po lagi na nya inichecheck ang heartbeat ni baby. Nakakapag alala po talaga minsan nakukulangan tayo sa inichecheck sa atin, ako kasi komportable naman ako sa OB ko, actually, galing pa ako sa ibang bayan, dumayo pa ako sa kanya kasi yung dati ko na OB, nakukulangan ako sa info parang ang hirap magtanong ng concerns, tapos ang tipid sumagot sa mga tanong ko saka basta hindi ako komportable kaya lumipat ako ng OB. Kung hindi ka po komportable sa OB mo now, pwede ka naman po lumipat sa iba lalo kung matagal tagal pa kayo magsasama saka kung paalaga ka talaga.

Magbasa pa
4y ago

Hanap ka po ng ibang OB na mas magiging komportable ka. Matagal pa din kasi kayo magkakasama, mas okay kung komportable ka sa OB mo