Malamig na tubig

Natotorete na ako sa mama ko. Inis na inis sakin tuwing nakikita akong umiinom ng malamig na tubig dahil nakakalaki raw ng bata. Nagsearch naman ako hindi naman totoo. Nakakairita pa naman.

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabi po ng midwife na nagpaanak sakin tunay daw po kaya nung lumabas si baby 3.5 kilos kahit maliit lang Yung tiyan ko nung nanganak ako

Pakausap mo sa OB mo ng marinig niya mismo sa doctor na wala naman basehan ang panggagalaiti niya kapag umiinom ka ng malamig na tubig.

Hahaha ganyan din po family ko, pero di naman daw po nakakalaki wag lang sweets at softdrinks pero ako nagssoftdrinks minsan tikim tikim ganun

Hindi po yun totoo.. Maganda kung magpapa check up ka kasama mo cla para marinig nila na okay lng namn

Sakin nmn sabi nkakatigas daw ng ulo ng baby 😂 ayun nung nnganak ako warak na warak pempem ko😂

TapFluencer

Parang sa pagkain lang po ata Sis doon lumalaki ang baby di lang po ako sure

Alam mo naman panahon ng mga nanay natin, maraming bawal sa kanila. Hahaha!

VIP Member

Not true po.. buong pregnancy ko malamig na tubig iniinom ko

Kanin po ang nag papalaki ng bata hindi cold water.

VIP Member

Yes po....nakakalaki din ng tiyan.