Ok lang ba sa mag 11 months na baby puro cerelac at gatas lang pinapakain
Natatakot daw kase sila magpakain..
mas mainam po kapag luto mo mismo ang food ni baby. Hindi rin po inadvise ng pedia ang magpakain ng cerelac/gerber nagiging picky eater daw po. Ang instructions sakin ng pedia mula ng mag 4 mos si baby lugaw with 1 type of gulay (nag start kami ng ampalaya as per pedia), then after a month rootcrops like patatas, kamote ganon, nag introduce na rin po ng itlog, isda manok paunti unti. Ngayon 9mos na si baby naka kanin na sya, ulam nya chopped gulay na may giniling na karne (manok, baboy, baka alternating),minsan itlog, minsan isda tapos hahaluan ko din ng prutas para kumpleto ang Go-Grow-Glow food group :) hindi ko lang din po nilalagyan ng asin, pero sumubok po ako gumamit ng ibang pampalasa gaya ng cumin, turmeric, garlic powder ganun po
Magbasa paas per pedia, wag laging cerelac. pwedeng lugaw, kanin na may sabaw. mashed potato/sweet potato. pureed carrots/kalabasa/papaya/veggies. soft fruits. oats. pasta. biscuits/crackers/puffs. gerber. pancake less sugar. anything na soft or depende sa teeth ni baby.
Magbasa pa