Any advice po. 😔

Natapos na maternity leave ko kailangan ko ng bumalik ng manila para magtrabaho, hindi pwedeng uwian kasi sobrang layo. Araw araw, gabi gabi akong umiiyak kahit nakaduty kasi namimiss ko yung 3 months old baby ko. Nagguilty ako kasi di ko sya naalagaan man lang. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. 😔😔

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy, sabi nila, hindi mo na maibabalik ang araw na baby sila. Kaya ako, hinihintay ko muna mag 3 years old si baby bago ako mag work. Gusto ko, ako mag aalaga sa kanya. Hindi kasi ako komportable kapag iba nag aalaga sa kanya. Kahit pa mother ko. Iba pa rin pag ikaw ang nagpalaki at nag alaga. Pero iba iba naman tayo.

Magbasa pa