Question

Naranasan mo na bang masaktan dahil sa pagmamahal na minsang inakala mo may pagtutunguhan? Tipong kahit ilang buwan o taon na Ang lumipas simula Ng magkalayo kayo at maghiwalay, nananatiling may pagmamahal ka pa din na nadarama para sa kaniya. Sa panahon Ng iniwan Niya ko, pinilit ko Hindi maipakita sa kaniya na sobra akong nasasaktan. Pinipilit ko na wag na umasa na magkakaroon pa siya Ng nadarama sa akin. Hanggang dumating Ang panahon na nagka anak na ko. At siya Naman at hiwalay na sa babaeng ipinagpalit Niya sa akin. Sa totoo Lang, andito pa din Yung sakit. Lalo na sabihin Niya na Mahal pa din Niya ko. Ngunit sa pagkakataong Ito huli na. Sapagkat, sa iba na ako nakatakdang ikasal. Sana isang araw matutunan ko kalimutan lahat. Mapalitan Ang galit ko. Dahil di ko Alam Kung ako ba talaga Ang siyang nagkulang o siya Ang di lumaban para sa aming dalawa. Mas iniisip ko na lang siguro ngayon, yung magiging anak ko at magiging asawa. Sa kabila Ng lahat Ng pinagdadaanan ko. Matatapos din Ito.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Di ako naniniwala sa sinabi nya na mahal ka parin nya. Kung ikaw talaga ang mahal nya di ka nya pagpapalit sa iba. Ganyan sinabi ng first bf ko dati saakin. Nagkahiwalay kami at noong nagkita ulit kami after 8 years sinasabi nya na ako talaga ang mahal nya. Di ako naniniwala. Malaking kasinungalingan. Balotin mo ng lubos na pagmamahal ang baby mo at asawa mo sis. Doon mo marerealize na napakablessed mo kasi hindi yong manlolokong ex mo nakatuloyan mo. Hugs sis... I can relate with you.

Magbasa pa

Mapaglaro talaga ang tadhana ☺ pero kung kayo talaga sis pagtatagpuin at pagtatagpuin talaga kayo ng panahon.